Nipoy: A Short Story

Nipoy

SAAN ANG DAAN PAPUNTANG LANGIT

Maikling Kwento Ni:  Suyop-Abog@2015

 Unang Tagpo

(Taong 1995, sa isang liblib na bayan sa Mindanao.)

Umuulan ng bala at mainit ang bakbakan ng militar at mga rebeldeng Muslim. Marami ng nakatimbuwang, di malaman kung buhay o sugatan, at sa gitna nito’y si Jonathan Nipacio, na kung tawagin ng mga kasama – Nipoy. Dalawampu’t isang taong gulang, tubong Dabaw at katatapos pa lang ng training. Ito ang una niyang assignment at di inaasahang sila’y pasabak. Nakadapa si Nipoy, may tama sa kanyang ulo at binti. Bumabalon ng dugo sa kanyang uluhan at tila patay ng hindi gumagalaw.

NIPACIO!!! ARE YOU OKAY?” sigaw ni Lt. Reyes, ang kanyang Commanding Officer. “SUMAGOT KA!

NIPOY!!! SUMAGOT KA BATCH!” Sigaw ng kanyang kaibigang si  KimJohn na kasamahan nyang nagtapos sa military training.

Nakita nilang ng tamaan si Nipoy ng bala at bumagsak, nakikita din nila ang pagdami ng dugong bumabalon sa bandang uluhan ni Nipoy.

Sir, permission to extract Private Nipacio!” wika ni Kimjohn.

Are you crazy?” Sagot ni Lt Reyes. “Hindi mo ba nararamdaman ang volume of fire ng kalaban? It means mahigit 50 sila! Besides, nakikita mo ang dami ng dugong lumalabas sa ulo ni Nipacio, we are not sure kung buhay pa sya.” Dugtong ni Lt. Reyes.

Pero Sir, kung di dahil kay Nipoy, marahil patay na tayo lahat! Siya ang nagsakripisyo ng sarili nya para lang maligtas tayo. Siya ang nakadiscover ng patibong at ng sniper Sir.” Galit na sinabi ni Kimjohn.

I know, and I owe him. Pero I will not sacrifice another life, sa isang action na di sigurado.”

Pero Sir, mga 5 metro lang ang layo nya, kaya kong gapangin at hilahin sya pabalik dito. Please give me permission Sir.” Pasumamo ni Kimjohn.

Private! I have made my decision, wala na tayong magawa para kay Nipacio, we will honor him by staying alive. THAT’S AN ORDER!

Sargent! Asan na ang request natin na air support?

Sir, ETA 2 minutes…

OK Men, I want you to focus firing 15 degrees North by Northwest sa landing zone. Make sure na clear ang egress natin… MOVE!!!

Muling Tiningnan ni Lt. Reyes ang nakadapang katawan ni Nipoy, sabay sumaludo, at nagwikang – To the chosen few, who laid their lives for their country and spilled their blood, I salute you Nipoy, may you join the ranks of heroes and martyrs and be glorified with them. Sabay gumapang pasunod sa mga kasamahan.

Ilang saglit pang nagsagutan ng putok ang militar at ang mga rebelde, matapos nito’y niyanig ang paligid ng mga pagsabog mula sa mga rocket launchers ng militar at dahil dito ay nagpulasan na parang mga daga ang mga rebelde. Sinamantala ito nila Lt. Reyes na dali-daling nagsipagsakayan sa helicopter.

Ng palipad na, tila sinadya na napadaan sila sa lugar na kinalalagyan ni Nipoy, at nakita pa nila itong napaligiran ng mga rebelde, agad nilang niratrat ang kumpol na dagli namang nagtakbuhan.

Ng ikutan nilang muli, nakita nila nakatihaya na si Nipoy, hubad lahat ang katawan maliban sa shorts nito at punong puno ng dugo ang ulo’t katawan nito.

Sumaludo silang lahat, at pagkatapos ay nagwika si Lt Reyes.

Let’s go home men.

Ikalawang Tagpo

Payapa na sa lugar kung saan nangyari ang enkwentro, ngunit bantulot pa ding naglalakad si Mang Ibrahim, 62 taong gulang, kasama ang anak dalagang si Amira na kanyang ihahatid sa may highway. Si Amira ay isang nurse na nagtatrabaho sa isang ospital sa lungsod ng Cotabato. Noong makalawa ay umuwi ito dahil nakarating sa kanya na inatake ng hika ang kanyang ina at ubos na ang gamit nito. Ngunit ng siya ay pabalik na sa lungsod, ay pinigilan siya ng ama dahil umano’y mag-ooperation ang mga militar at natatakot silang malagay sa crossfire ang dalaga.

Ama, bilisan mo naman, ayaw ko ng umabsent sa trabaho, maliit na nga ang sweldo ko, mas lalo pang liliit dahil sa absences ko. Bakit kasi ngayon pa nasira ang sasakyan natin.” Inis na bigkas ni Amira sa ama.

Anak, hindi ko naman kagustuhan ang gyerang ito. Saka, natatakot ako na baka may mga natitira pang mga kasamahan ang mga sundalo at rebelde at mapagkamalan tayo.” Wika ng ama.

Bakit kasi hangang ngayon ay di pa din matapos-tapos ang kaguluhang ito? Ano pa ba kasi ang kailangan patunayan ng mga kalahi natin? Alam na ng pamahalaan ang gusto nila, bakit di na lang sila mag-antay?”

Anak, wag na nating pagusapan ang mga bagay na yan, pareho tayong wala sa lugar at walang karapatan na arukin at bigyan dahilan ang isang paniniwala na noon pa man ay sinusunod na ng mga ninuno natin. Bilisan na lang natin ang paglakad at malapit na tayo sa sakayan.

Tahimik na nagpatuloy sa paglakad ang mag-ama. Sa bandang unahan ay manarinig silang ungol na nagpahinto sa kanila.

Amira, ungol ng tao un. Galing dyan sa may talahib sa unahan.” Wika ni Mang Ibrahim habang papigil na hinawakan ang braso ng anak.

OO nga, sandali sisilipin ko lang. Akin na yang itak mo, baka kung anong hayop yan.

Magi-ingat ka anak” sabay abot ng itak at binunot ang dala-dalang kalibre 45 at dahan-dahang nagkasa.

Marahang humakbang si Amira pantungo sa kung saan nangaling ang narinig nilang ungol. At sa kanyang paghawi ng talahib ay tumambad sa kanya ang duguang katawan ni Nipoy na puno ng galos at sugat sa kagagapang.

Gulat na napaatras si Amira…

Ama, may taong sugatan dito, halos hubad at puno ng dugo.” Pabulong niyang wika.

Marahang lumapit si Mang Ibrahim, lumuhod sa gilid ni Nipoy.

Assalamu Alaikum” hinang hinang nabigkas ni Nipoy.

Alaikum Wassalam” dagliang sagot ni Mang Ibrahim.

Parang magic na dahil sa nabigkas ni Nipoy ay agad nila itong pagtulungang hila-in sa may tabi na daan at agad na pinunasan ni Mang Ibrahin ang mukha ni Nipoy. Agad naman iniabot ni Amira ang kanyang dala-dalang mineral water na dahan-dahang pinainom ni Mang Ibrahim. Matapos nito ay nawalan na ng malay si Nipoy.

Ama, kailangan madala siya agad sa ospital.” Habang pinupulsuhan siya ni Amira.          “Mahinang mahina na at halos di ko na sya mapulsuhan.”

Alam ko anak, pero paano natin magawa un? Nawalan sya ng malay, at hindi ko naman sya kayang pasanin?” wika ng ama

Ano kaya kung mauna kayo sa may kanto, habang dito lang ako bantayan ko sya? Malapit lang din naman, halos isang kilometro na lang.

Pero anak, di tayo sigurado kung masamang tao yan, baka pagkamalay nyan, eh kung ano pang gawing masama sa iyo?” Nagaalang wika ni Mang Ibrahim.

Sa palagay ko ama hindi na nya magawa ito, nawalan sya ng malay dahil sa dami ng dugong nawala sa kanya, at sa kalagayan nyang yan, isang pitik ko lang yan.” Patawang bigkas ni Amira.

“Sabagay, pero iiwan ko itong baril ko sa iyo. Akin na yang itak. Kung magkamali sya, barilin mo na agad sa paa o sa kamay. Madali lang ako, tatakbuhin ko na para makabalik ako agad.” Nagmamadalin wika ng ama

“Sige ama, bilisan mo, maagapan pa ito kung madala agad sa ospital. Magiingat ka”

“Oo anak, magiingat ka din.” Habang patakbong lumayo.

Habang palayo ang ama. Marahang pinupunasan ni Amira ang duguan mukha at katawan ni Nipoy at marahang nagtanong sa walang malay na si Nipoy.

“Sino ka? Anong ginagawa mo dito? Bakit ka sugatan?” Mga tanong na alam niyang masasagot lamang kung mabubuhay ito. Habang pinupunsan nya ito napansin sya ang isang maliit na tattoo sa may kanang braso nito, larawan ito ng punyal na kakatarak sa mga katagang ‘SALOME’.

Inabot din ng mahigit kalahating oras bago nabanaag ni Amira ang headlights ng palapit na sasakyan na isa palang Police Mobile na nakasalubong ni Mang Ibrahim malapit sa may kanto.

“Amira, anak pinag-adya marahil ni Allah ang taong yan, nakasalubong ko sila kapitan malapit sa may kanto.” Humahangos na wika ng ama

“Maam, buhay pa ba yan?” Tanong ng kapitan ng pulis.

“Opo sir, buhay pa po, pero mahinang mahina na ang pulso nya. Baka nga di na ito umabot sa ospital.” Sagot ni Amira

“Tara, dali, isakay na natin baka mahabol pa natin yan.” Wika ng pulis, kayo, ayusin ninyo yang likuran ng sasakyan. Maglagay kayo ng kahit anong mahihigaan nito. Bilis!”

“Yes Sir” sabay na sagot ng 2 pang pulis.

Agad na naisakay si Nipoy sa mobile at kaagad din silang lumisan. Sumabay na sa sasakyan si Amira. Pagdating sa ospital, agad itong dinala sa emergency room. Hawak-hawak ni Amira ang kamay ni Nipoy, hangang malipat ito sa operating table. Marahil sa kauuga sa kanya, ay marahang minulat nagmulat ng mata ni Nipoy, at mahinang nagbigkas…

“Suhkran Bai…” at muling ipinikit ni Nipoy ang mga mata.

“Afwan” ang tanging nasambit ni Amira habang sinasara ng doctor ang tabing ng operating room.

Ikatlong Tagpo

Sa military detachment malapit sa lungsod ng Cotabato. Kasalukuyang nagbibigay ng kanyang after operations report si Lt. Reyes

“Malapit na kami sa aming appointed rendezvous Sir with the 3rd platoon, 1st Company of the 352nd Battalion ng napuna ni PFC Nipacio, who was our tail scout, na parang sinusundan kami. Agad niya akong ininform, kaya huminto kami. Then he volunteered to double check by going back.”

“Then what happened?” Tanong ni Col. Mariano na syang Commanding Officer ng military camp.

“Pagbalik ni PFC Nipacio Sir, sinabi nyang may isang malaking grupo ng rebelde na sumasalikop sa amin. From than I gave the order to move south, papunta sa may high ground, kung saan mas malaki ang chances of survival ng platoon. Pero habang umuusad kami in crouch positions ay napansin ni Nipoy.. I mean PFC Nipacio ang isang sniper, and to maintain silence, ay agad niya akong tinakbo, at tinulak papunta sa may kanal, where we were able to take cover. Sadly, si PFC Nipacio ang tinamaan ng sniper.”

“Nakita nyo ba kung saan sya tinamaan? Anybody of you who can confirm the hit?” Tanong ni Col Mariano.

“The first salvo got him in the head sir. Headshot! That much I can confirm Sir, nakita ko ng tamaan si PFC Nipoy Sir.” Sagot ni PFC Kimjohn. “Alam ko kasi I was about 1 meter mula sa kanya Sir.”

“Maliban na dun, we saw a lot of blood coming from his head while nakahandusay sya. Confirming that it was indeed a headshot.” Wika ni Lt. Reyes.

“So clearly it was an ambush, which nobody was aware of. Up until the last minute, the situation was preventing anybody from making the recovery of the body of PFC Nipacio possible without sacrificing the lives of others. Is this your official assessment Lt.Reyes?”

“Sir, Yes Sir. Na-assess ko po ang situation at nakita kong napapaligiran kami ng mga kalaban, that it was impossible to recover his body. Kaya napilitan na kaming magwithdraw leaving his body. Further nung nasa chopper na kami nakita naming pinaligiran sya ng mga rebelde at hinuhubaran ng damit. His body is covered with blood and I can surely say na KIA si PFC Nipacio.” Patapos na wika ni Lt. Reyes.

“Recommendations Gentlemen?” Tanong ni Col Mariano sa panel of officers na kasama nya. “Ex-Officio, any thoughts?”

“Well Sir, based on the circumstances, I believe PFC Nipacio deserves post-humus honors. Sayang lang because he was an officer material.” Wika ng Ex-O.

“I agree Colonel.” Dagdag ng Deputy for Administration.

“Concurred!” sambit ng Deputy for Operations.

“Well then, so be on record, isumite ninyo sa GHQ ang recommendation for honors of PFC Nipacio and let’s inform the next of kin. This Meeting is adjourned.” Wika ni Col Mariano habang tinitiklop ang 201 folder ni Nipoy.

“Meanwhile, Lt. Reyes, you and your group will also receive a commendation, as soon as you arrive sa SouthCom sa Zamboanga City. The whole company will reinforce the 6th Infantry Division force sa laban against MNLF fighters sa Jolo. You are directed to proceed there within 24 hours.”

“Excuse me Sir.” Dali-daling wika ni Lt. Reyes. “Jolo Sir?”

“Yes Lieutenant, why is there any problem?” Tanong ni Col. Mariano

“No Sir, pero after what happened, the troops need to recover and they deserve a little R-and-R, after this event Sir.”

“Yes, I understand, do it in Zamboanga. Any other questions?

“No Sir. Thank you Sir.” Wika ni Lt. Reyes sabay Saludo.

Ikaapat na Tagpo

Sa Ospital kung saan nakaratay si Nipoy. Nagulat pa si Mang Ibrahim ng nilapitan sya ng doctor na syang nagasikaso sa sugatang si Nipoy.

“Bapa” wika ng doctor.

“Opo Doc” dagli sagot ni Mang Ibrahim

“Kaano-ano po ninyo ang sugatan?

“Sa totoo lang Doc, hindi namin sya kamaganak. Natagpuan lang po namin sya ni Amira ng inihatid ko sya sa may sakayan.” Wika ni Mang Ibrahim

Habang nagsasalita si Mang Ibrahim sa sya namang pagdating ni Amira na nakasuot ng kanyang damit pang-nurse.

“Doc, kamusta na po ang pasyente ninyo?” Tanong ni Amira sa doctor

“Yun na nga sana ang sasabihin ko sa ama mo. 80% ng sugat nya ay deep lacerations, o malalalim na gasgas at hiwa. Marahil nakuha nya ito noong gumagapang sya. Kung yun lang hindi ganun kalubha ang magiging kalagayan nya, pero may malalalim syang sugat sa ulo at sa mga binti at palagay ko mga tama ng baril. Ung tama sa kaliwang binti nya ay tumama sa buto sanhi ng pagkawasak nito. Ang nakabuti lang clean break, magagawan pa ng paraan para makalakad syang muli. Ung sa kanan naman, tagos pero walang tinamaang buto. Pero…” dito napahinto ang doctor

“Pero ano doc?” sabayang bigkas ni Amira at ng kanyang ama.

“May tama sya ng bala sa ulo, at ayon sa results ng x-ray, nasa tabi mismo ito ng isang major artery. Kaya hindi muna namin ginagalaw, baka kapag operahan namin ay bumigay ito at maging sanhi upang ikamatay nya. Oobserbahan muna namin, at kung kinakailangan ay ilipad sya papuntang maynila upang doon na operahan.” Wika ng doctor.

“Kawawa naman sya.” Wika ni Mang Ibrahim

“Unconscious pa sya hangang ngayon. Sa palagay ninyo, sino kaya ang makapapagsabi kung sino ang biktima at kung anong nangyari sa kanya.”

“Ang iniisip ko baka sundalo sya, kasi noong isang araw ay nagkaroon ng sagupaan sa malapit sa amin. Pero, ayon sa barangay captain namin, wala namang nareport na nasawi o nawawala sa grupo ng mga sundalo.” Sambit ni Mang Ibrahim.

“Hindi kaya Ama sa itong byahero na hinold-up at basta na lang itinapon sa lugar natin. Di ba halos hubad natin syang natagpuan sa talahiban.” Wika ni Amira

“Maaring tama kayong pareho ng ama mo Nurse Amira. Sa ngayon, nakablotter na ang mga pangyayari sa pulisya, pasasaan din at may maghahanap sa kanya, o di kaya’y magtatanong. In the meantime, i-check ninyo sa 6th Infantry Division Headquarters kung meron silang missing ng opisyal.” Wika ng doctor.

“Opo doc, balak ko ngang magsadya sa kampo bukas kasi may kailangan din akong gawin doon.”

“Ok, Salamat Nurse Amira, Mang Ibrahim, utang ng taong ito ang buhay nya sa inyo sahil di ninyo sya naagapan, marahil namatay sya at walang kahit na sino mang makakaalam. I will continue to monitor his condition at iinform lang kita Nurse Amira, from time to time.”

“Opo doc. Salamat kay Allah at nasalba po ninyo ang buhay nya.” Wika ni Amira.

Umalis na ang doctor at naguusap si Amira at ang kanyang ama.

“Anak, binigay pala sa akin ng duty nurse sa emergency room ang isang friendship bracelet na may palawit ng letrang ‘N’. Sabi nya yun lang nakuha nila sa lalaki.” Wika ni Mang Ibrahim.

“Alam mo ama, kanina habang nasa sasakyan tayo, nakita ko ung brief nya, punit punit pero sa may bandang garter, merong nakalagay na mga katagang ‘NIPOY”. Hindi kaya yun ang pangalan nya?” Tanong ni Amira

“Marahil, pero sinong makapasasabi?” tugon ng ama

“Malakas ang kutob ko na tama ka ama, isa syang militar at nasugatan ng magkaroon ng enkwentro sa may malapit sa atin.”

“Siguro. Bukas pagdating ko sa kampo magtatanong-tanong ako. Sige na anak, bumalik ka na sa trabaho mo, mamaya-maya konti ay lalakad na din ako.” Sabi ni Mang Ibrahim

“Opo ama, magiingat po kayo.” Sagot ni Amira sabay tumalikod.

“Wag mo kalimutan yung gamot na dadalhin ko pauwi bukas.” Pahabol ng ama

“Don’t worry ama, nabili ko na po lahat, babalutin na lang.” sagot ni Amira

Ikalimang Tagpo…

Makalipas ang 2 araw, sa opisina ng Civilian Military Relations Officer ng 6th Infantry Division sa Camp Gonzalo Siongco, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao, kausap ni Mang Ibrahim ang isang opisyal at ikinuwento ang mga pangyayari.

“Sir, totoo pong nagkaroon ng engkwentro sa lugar na sinasabi ninyo, pero iisa lang po ang casualty at wala pong naiwanang sugatan. Ito po ang report the Team Leader nila. Sad to say, hindi po natin maconfirm ang ibang details dahil kahapon po ay tumulak ung buong team ni Lt. Reyes dahil orders sa kanila na madeploy sa Jolo.” Wika ng opisyal

“Oo nga po, sabagay gusto lang po naming i-verify kasi nga walang paraan para makilala ung biktima. Talaga po bang walang record dyan ng pangalang ‘NIPOY’?” tanong ni Mang Ibrahim

“Sir, nahalungkat na po namin ang mga records, ang pinakamalapit sa sinasabi ninyo ay Nipacio, pero hindi po pangalan kundi last name. Ang pinakamangandang magawa namin ay kontakin namin ang team ni Lt. Reyes at itatanong namin. On the way na po kasi sila papuntang Jolo at naka radio silence po ang operations nila. Kung napunta po kayo kahapon baka naabutan pa natin sila sa kampo.” Sabi ng opisyal

“Balak ko po talaga pumunta dito kahapon, kaso po napakalakas ng ulan at lam mo namang walang sasakyan papasok sa lugar namin, kaya ipinagpabukas ko na lang.” tugon ni Mang Ibrahim

“Ok lang po yun Sir. Tutal nairecord ko na po ang number ninyo, tatawagan ko kayo kung nakontak na namin sina Lt. Reyes.”

“Sige po, ganun na lang po, sasabihan ko na lang ang ospital para magawan din po nila ng paraan.”

Pagkatapos nito’y nagpaalam na si Mang Ibrahim at tumuloy sa ospital kung saan naabutan nyang naguusap si Amira at ang Doctor.

“Assalamu Alaikum Doc” bati ni Mang Ibrahim

“Alaikum Wassalam, Bapa” sagot ng doctor

“Anak kamusta na sya?” kagya’t nyang tanong

“Nurse Amira ikaw na magsabi sa ama mo, kailangan ko pang tapusin ang rounds ko. Maiwan ko na kayo Bapa.”

“Opo doc, thank you po.” Wika ni Amira

“Good, I’ll check back with you as soon as naayos na lahat ng kailangan.” Pagkawika nun ay tumalikod na ang doctor at umalis.

“Anak, anong sabi ng doctor?” Tanong ng Mang Ibrahim

“Kailangan na daw syang dalahin sa maynila para maoperahan. Nakita kasi nila sa CTScan na iniipit ng bala ang ugat, at unti-unti ng nagmamaga ang utak nya.”

“Ganun ba? Kawawa naman. So anong plano ng doctor ngayon?

“Nakipagugnayan na kami sa PGH sa maynila, at ayon kay doc, meron isang foreign doctor dun ngayon na pwedeng gumawa ng operation, kaso aalis na sya sa makalawa, tapos kung aantayin pa natin ang C130 ng military, sa ikatlong araw pa ito darating.” Sagot ni Amira

“Ano bang maitulong natin?” tanong ng ama

“Ok na daw po, may nagsponsor ng pagdala sa kanya sa maynila, at dun ay susunduin na sya ng ambulansya papuntang PGH. Kamusta naman pagpunta mo ng kampo, may nakuha ba ka bang impormasyon?” Tanong ni Amira

“Galing nga ako dun anak, kaso hindi din nila alam, Ang sabi ng opisyal, itatanong daw nila sa team leader nila kung kasamahan nila ung lalaki. Tatawagan lang nila ako kung may impormasyon na sila.”

“Sana nga ama, kawawa naman ang mga kamaganak nya kung di nila malalaman. Malay mo may asawa’t anak sya. Kailangan nilang malaman.”

“Ipagdasal na lang natin sya anak. May awa si Allah.” Wika ng ama.

Ika-anim na Tagpo

Makalipas ang isang linggo, sa isang ospital sa Maynila, kasalukuyang kinakausap ng kapatid ni mang Ibrahim ang doctor na umasikaso kay Nipoy na nakaratay pa din sa ICU.

“Doctor, kamusta na po si Juan?” tanong ni Sahara

“Kaano-ano po ba ninyo ang pasyente?” tanong ng doctor

“Kapatid ko po ang nakakita sa kanya at naghatid sa ospital sa Cotabato. Wala po kaming paraan para makilala sya, kaya nga po “Juan” ang pansamantalang pinangalan sa kanya.” Wika ni Sahara

“Sa ngayon wala pang makapagsasabi. Masyadong malubha ang kanyang tama sa ulo, buti nga’t naagapan ni Doctor Weller, pero hanga’t di sya nagkamalay di pa natin maarok kung ano ang extent ng damage sa utak nya. Ayon kay Doctor Weller, may mga nueral nerves na tinamaan ang bala, possible na affected ang kanyang memory, o di kaya baka tuluyan na syang malumpo. Ipagdasal lang natin na sana makarecover sya.”

“Ganun po ba doc. Sana nga po makarecover sya.”

“Malaki naman ang chance nyang makalagpas, he is out of critical stage, baka bukas pwede na natin syang ilagay sa isang kwarto dito. Sige po Ma’am, ipagbigay alam nyo lang sa nurse station kung may impormasyon na kayo sa katauhan ni Juan.”

“Opo doctor, salamat po.” Sagot ni Sahara

Umalis na ang doctor at kaagad namang nilabas ni Sahara ang kanyang cellfone at tinawagan ang kanyang kapatid na may 2 misscalls.

“Kaka, pasensya ka na di kita nasagot kanina, kausap ko kasi ang doctor ni Juan.”

“Ok lang Sahara, kamusta na sya” tanong ni Mang Ibrahim

“Ayon sa doctor hindi na daw sya critical, pero hangang ngayon ay di pa din ito nagkamalay. Possible daw na maapektuhan ang kanyang memorya, at ang pinakagrabe kung pati paglakad nya maapektuhan, maari daw syang malumpo habangbuhay.”

“Ganun ba? Kailan naman daw pwede ilipat sa kwarto?” Tanong ni Mang Ibrahim

“Maari na daw bukas. Maiba ako, kamusta na ung pagtanong ninyo sa katauhan ni Juan?” Tanong ni Sahara.

“Yun na nga ang dahilan kaya ako tumawag. Nung isang lingo sabi nung opisyal ng militar na kausap ko, tatanungin nya daw ung Team Leader na nag-operasyon dito sa may malapit sa atin. Kaso, nung tumawag sila nasa isang operasyon sa Jolo ang buong team. Tapos kahapon nung bumalik ako, nalaman ko na napasabak sa bakbakan ang team nila, halos naubos silang lahat. May isang nabuhay sabi ng opisyal Private KimJohn Martin ang pangalan, na-airlift na ito papuntang V. Luna. Hindi rin daw ito makakausap sa kalagayan nito, kaya wala pa rin tayong impormasyon hangang ngayon.”

“Kahirap talaga ng buhay ng sundalo Kaka, napapasabak sa gyera at di nila alam kung makakabalik pa sila ng buhay o hindi na. O sige, papasok na muna ako sa trabaho. Babalik-balikan ko na lang si Juan kung may panahon ako.” Sagot ni Sahara

“Sige, balitaan mo na lang kami dito, concern lang din kami dahil kami ang nakatagpo sa kanya. Magiingat ka dyan parati.”

“Opo Kaka, kayo din magiingat din dyan.” Sabay sinara ni Sahara ang kanyang cellfone at lumakad ng palabas ng ospital.

Mahigit dalawang lingo pang nakaratay si Nipoy sa ospital, at nang muli itong dalawin ni Sahara, nagulat na lang sya ng ibang pasyente na ang naabutan nya sa kwarto. Agad pumunta sa Sahara sa nurse station at nagtanong.

“Excuse me nurse, ung pasyente sa Room 306, nalipat po ba?”

“Ah Ma’am, namumukhaan kita, ikaw yung parating dumadalaw sa kanya di ba?” wika ng nurse

“Opo, bakit po, may nangyari ba?” nagaalang tanong ni Sahara.

“Kahapon kasi ng umaga nagising na ang pasyente, si Juan. Pero nang tanungin namin sya kung sino at kung alam nya kung ano nangyari sa kanya, wala syang masagot sa amin. Hindi nya matandaan kung ano nangyari sa kanya, kung sino sya at kung ano nangyari sa kanya. Akala namin, mahina pa sya, pero kaninang umaga ng mag-rounds si doc, wala na si Juan. Hinanap na namin sa buong ospital pati sa mga malalapit na mga tindahan dito, hindi namin sya nakita. Nagreport na kami sa pulis.”

“Tapos ano po ang nangyari?”

“Ang latest na impormasyon namin, nung i-review ng IT technician and record ng CCTV namin, may isang lalaki na pumasok sa Admin Section at ang isang male nurse namin dito nawalan ng dala nyang bag. Sa palagay namin si Juan yun. Sabagay, ilang daang piso lang naman ang lamang pera at mga damit nya ang laman ng bag.” Sinabi ng nurse kay sahara.

“Talaga po bang hindi na ninyo sya nahanap?”

“Opo maam, pati nga pulis tumulong ng maghanap, pero wala talaga.?”

“Paano yun? Sabi ninyo hindi nya nakikilala ang sarili nya at nanghihina. Paano sya nakalabas?” Baka kung napaano na yun.” Nagaalang wika ni Sahara

“Hindi daw po napansin ng duty nurse kagabi dahil toxic daw sila nung mga oras na yun.” Wika ng nurse

“Saan kaya nagpunta yun?”

“Nakipagugnayan na din po kami sa ibang mga ospital, baka po dun sya na pumunta.” Sabi ng nurse

Tuliro na umalis si Sahara na agad naman tumawag sa kapatid at pinaalam ang nangyari.

Ika-pitong na Tagpo…

Makikita si Nipoy na naglalakad, marungis na ang damit at mapapansing bakas sa mukha nya na gutom ito. Huminto sya sa may lilim at nagpahinga sandali, tumingin tingin sa paligid.

“Welcome to Bayombong, Nueva Vizcaya” paanas na basa ni Nipoy. “Saang lugar kaya ito?” tanong nya sa sarili.

Maya-maya pa’y muli syang nagpatuloy ng lakad.

Halos tanghali ng sya’y napapadpad sa isang ilang na lugar. Nakikita nyang may mga batang naglalaro sa palaruan. Nakakita si Nipoy ng isang kubong gawa sa kawayan, at tinumbok nya ito. Umupo habang nakangiting minamasdan ang mga batang masayang naglalaro. Dala marahil ng pagod at gutom, unti-unting naidlip si Nipoy.

“Hindi ganyan ang pagtali ng sugat anak, ayusin mo ang benda, linisin bago mo ito gamitin. Lapatan mo muna ng mertayolet, lagyan ng penicillin ang sugat, bago mo ito bendahan. Kailangan mahugasang mabuti ang sugat bago mo ito lapatan ng lunas.” Wika ng isang matandang lalaki na hindi namumukhaan ni Nipoy.

“Opo..” agad naman nyang sagot,

“Anak, darating ang panahon na ang mga natutunan mo dito ay magagamit mo sa pagtulong sa mga nangangailangan. Maaring kaibigan, kasama o baka sa mga magiging anak mo. Kaya tandaan mo maige ang mga tinuturo ko sa iyo.” Wika pa din ng matandang lalaki – pamilyar sa isip nya pero di niya kilala.

“Opo, ama.” Sagot ni Nipoy…

“Ama? Kung ama ko sya, bakit di ko sya kilala? Bakit wala akong maalala sa kanya? Ilang beses ko na syang napapanaginipan, pero hangang ngayon, di ko pa din sya maalala.” Tanong ni Nipoy sa sarili

“Sino po kayo at bakit anak ang tawag nyo sa akin? Ano po pangalan ko?” Tanong ni Nipoy sa di kilalang matanda.

“ANAK… ANAK…ANAK…” nauulinigan ni Nipoy “ANNNAAAAKKK!!” sigaw na gumulantang at gimising sa kanya. Agad syang bumangon at hinanap kung saan galing ang sigaw.

Sa isang swing, nakita nyang nagiiyakan ang mga bata at may mga guro at magulang na nagtatakbuhan. Lumapit si Nipoy, nakita nyang umiiyak ang isang ginang habang kalong ang isang batang lalaki. Isang guro naman ang nasa kanyang cellfone at tumatawag sa isang ospital.

Tiningnan ni Nipoy ang bata, tumilapon pala ito sa upuan sa sobrang lakas ng pagtulak sa kanya ng isang kaklase, na humahagulhol sa isang tabi habang pinapagalitan ng ina. Walang malay ang bata at malaki ang sugat sa ulo, habang makikitang halos lumuwa ang buto nito sa may siko gawa ng pagtukod nito ng bumagsak.

“Ma’am, meron ba kayong bandages, antibiotic at mahihigaan ng bata?” Tanong ni Nipoy sa isang guro.

“Yes, Sir, meron po.” Sagot ng guro

“Kunin po ninyo, bilisan niyo lang po, kailangan maiayos natin ang buto nya, bago ito magmaga, at malinis ang sugat nya sa ulo para umampat ang dugo.” Wika ni Nipoy

“Nurse, bilis, kunin na agad lahat ng sinabi nya.” Baling ng guro sa school nurse na agad namang tumakbo.

“Madam, hindi makakabuti sa anak ninyo ang kalungin ninyo sya, hindi natin alam ang extent ng injuries nya, mas makakabuti kung ilapag ninyo sya at wag galawin habang wala pa ang ambulansya. Magsasagawa po ako ng first aid sa anak ninyo habang wala pa ang duktor.” Malumanay na alo ni Nipoy sa ina ng bata.

Dumating naman agad ang mga hiningi ni Nipoy at agad nilang nilatag ang bata sa isang foam na higaan. Dito agad na hinugasan ni Nipoy ang sugat nito sa ulo, medyo may kalaliman ang sugat, at dahil sa ulo nga, malakas ang tagas ng dugo.

“Ma’am meron po ba kayong instant glue?” tanong niya sa guro

“Sir, sir, meron ako, eto o’ Bulldog… kabibili ko lang kanina kasi aayusin ko sana yung sandalyas ko. Pwede po ba ito.” Hangos na sinaboi ng isang guro.

Agad itong kinuha ni Nipoy at dahan-dahang nilagay sa sugat. Maya-maya pa’y kumapit na ang glue na kayang nilagay at unti-unting humina ang tagos ng dugo. Nang makita ni Nipoy na paampat na ang dugo. Agad naman nyang binalingan ang braso ng bata. Hinawakan nya ang balikat nito, kinakapa-kapa ang buto.

“Madam, masakit po ang gagawin ko, pero kailangan itong gawin bago magmaga ang braso ng anak nyo, kailangang maibalik sa tamang ayos ang buto nya, dahil kung hindi, mababaluktot ito at dadalhin nya ito hangang sa paglaki nya. Pumapayag ba kayong gawin ko ito.?” Tanong nya sa ina ng bata.

“Pero..” bantulot at nagaalalang sagot ng ina.

“Sige na mare, tama si Sir, ipaayos mo na.. habang wala pa siyang malay.” Sabad ng isang guro

“Sige po payag po ako. Pero..” atubiling pa ring sagot ng ina.

“Salamat po. Kailangan ko isang taong pipigil sa balikat nya.” Tanong ni Nipoy sa mga andun.

Agad namang nagpresinta ang isang matipunong lalaki. Pinahawakan ni Nipoy ang balikat ng bata, at unti-unting hinihila ang kamay ng bata, hangang sa lumagutok ito, tanda na pagbalik nito sa tamang ayos… Saglit pang minapamsahe ni Nipoy hangang matiyak nyang maayos na ang braso nito. Sa puntong yun ay dumating na ang ambulansya na may doctor at kasamang nurse. Agad silang kinausap ni Nipoy.

“Doc, nahulog ang bata sa swing dala ng malakas na pagkatulak ng isang kaklase. This resulted to a laceration sa ulo nya, nilinis ko na ng mineral water, nilagyan ko ng betadine at sinara ko using a fast acting glue. Kailangan ninyo buksan uli ung sugat at tahiin dahil medyo malaki. Yung braso nya, nadislocate ang elbow, naibalik ko na pwesto, pero it will still need an x-ray to be sure and i-plaster cast para mag-set ang buto ng maayos.”

“Ok Sir, salamat sa maagap ninyo ng pagtulong. We will do everything you have suggested.” Sagot ng nurse. “Pare, ilagay nyo na sa gurney ang bata para madala na natin sa ospital.” Sabi nito sa kasama.

Agad tumalikod ang nurse at sumakay na sa ambulansya.

Habang nagkakagulo, umalis na si Nipoy at bumalik sa kubong pinangalingan at muling nahiga. Ilang saglit lang ay muli na naman itong nakatulog.

Ika-Walong Tagpo…

Kausap ni Private KimJohn si Major Moreno ng and Administrative Officer ng SouthCom. Sumaglit ang opisyal sa V. Luna Hospital upang alamin ang kalagayan ng sundalo.

“Salamat naman Sir at napadalaw kayo.” Wika ni sundalo

“Ok lang un private, I just want to check if everything has been alright. Gusto ko din ipaalam sa iyo na isa sa mga mission ko sa pagpunta ko dito ay upang ihatid sa GHQ ang mga gamit ng mga kasamahan mong nasawi, para mahatid na din sa mga pamilya nila.” Wika ng opisyal.

“Private, alam kong tapos na ang debriefing mo, pero meron akong konting agam-agam. Not because of doubt, simply that hindi ko maintindihan totally bakit naubos ang buong team ninyo. Can you brief me again sa mamgyari sa team mo?”

“Sir, nasa detachment kami noon, alam mo namang kararating lang namin. Hindi namin alam na ilang araw bago kami dumating, may nakaenkwentro ung team na pinalitan namin, according sa info, anak daw ng isang rebel commander. At balak na pala nilang lusubin ang detachment para gumanti. This info was not given to us Sir, kaya nung dumating ang grupo ng commander, akala namin usual visit lang sir, kasi yun ang nakasanayan namin sa previous station namin.”

“Pagkatapos?”

“Ganun na nga Sir, lumapit po si Lt. Reyes, kasama ng 3 pang kasamahan namin, ng mga 2 meters na lang, bigla na lang pinaputukan sila, bumagsak agad si Lt Reyes, nakagapang pang pabalik si Sargeant Makay, pero hinabol din sya ng bala. Umatras kami at gumawa ng perimeter defense, pero naikutan na pala nila ang detachment, kaya from all directions sila nangaling. Estimate ko Sir mahigit 50 ang lumusob sa amin. Lumaban kami to the best we can, pero overwhelmed na kami Sir.”

“Yes, ganun nga ang nakuha naming info. Pero paanong di ka napuruhan?”

“Guard Post duty po ako sir, after nila niratrat si Lt. Reyes ay ang pwesto ko ang binanatan nila. Tinamaan ako dalawang beses sa dibdib sir at bumagsak, Pero bago ako nawalan ng malay tao, naramdaman ko na may lumapit sa akin, akala ko kasahan ko, pero nung makita ko ang suot niyang ‘tubao’ pinili ko na lang na wag kumilos. Nakita nya siguro na puro sa dibdib ko ang tama, kaya akala nya patay na ako.”

“KimJohn, alam mo bang ikaw lang ang nabuhay sa team ninyo? Nung dumating ang reinforcements sa detachment ninyo, wala ng ung mga umatake, kaya nung makita ka nila na may pulso pa, agad kang pina-airlift at hinatid dito sa V. Luna. Binubwenas ka pa din talaga.”

“Kaya nga Sir, masaya ako na malungkot dahil mamimiss ko yung lahat ng kasamahan ko. Minsan nga Sir, tinatanong ko sa sarili ko bakit ako nabuhay.”

“Marahil may mission ka pa Private Kimjohn.”

“Siguro nga Sir. Siguro nga.”

“Meron nga pala akong gustong itanong sa iyo private. Natatandaan mo ba yung enkwentro ninyo sa Maguindanao, bago kayo naassign sa Jolo?”

“Opo Sir, bakit po?”

“Kasi shortly after nakaalis kayo, may tumawag sa office namin at nagtatanong kung, meron daw sundalo na pangalan ‘Nipoy’ yun daw kasi ang nakita nila sa brief ng isang tao na natagpuan a few kilometers mula sa encounter site.”

“Yes Sir, si Private Nipacio, Nipoy ang binyag sa kanya ni Lt. Reyes. Kasama ko syang nagtapos sa training at sabay kami na nadestino sa team ni Lt. Reyes. Pero Sir, imposible kasi nakita ko mismo na tinamaan sya sa ulo. Tapos, last na nakita namin sa kanya nasa chopper kami at pinapalibutan sya ng mga rebelde. Kaya nga inutos ni Lt. Reyes na i-straffing ung kinalalagyan nya. Imposible buhay pa sya Sir.”

“Yes, nabasa ko nga yung after action report na sinulat ni Lt. Reyes pati yung debriefing ni Col. Mariano. Kaya nga nung nakita ko yun, pinuntahan ko sa Cotabato yung nakatagpo sa kanya at may dala akong 201 file ni Private Nipacio, at kinumfirm nya na si Private Nipacio nga ung natagpuan nila.”

“Saan na daw si Nipoy ngayon sir? Matutuwa ang ama at ina nya sa balitang yan Sir.”

“Yan ng nga ang isang sadya ko sa iyo Private. Kasi after 5 days sa ospital sa Cotabato, nagkaroon ng kumplikasyon ang kalagayan nya nagmaga ang utak, kaya nilipat nila ito sa PGH, nagkataon kasi na may bumibistang Neurosurgeon galing ng America. Accordlingly, naoperahan naman siya, pero two weeks ago, nagising si Private Nipacio at according to the report of the doctor, may amenesia siya at walang nakikilala, walang natatandaan. Irereport nga san nila ito, pero kinabukasan, bigla na lang nawala si Private Nipacio and until now, hinahanap pa din ito.”

“Anong maitulong ko sir?”

“Baka lang Kimjohn may alam kang pinupuntahan ninyo dito sa Maynila, favorite places, maliban sa mga regular areas na pinuntahan ninyo. Something to help us locate him.”

“Hindi naman mahilig lumabas si Nipoy, I mean Private Nipacio Sir. Madalas kung lumakad kami, parati yang syang pumupunta sa mga ampunan, sa home for the aged. Natanong ko nga sya minsan kung bakit. Sabi nya gawi na daw nya ito dahil siguro sa parehong doctor ang mga magulang nya. Ambisyon nya lang talaga ang maging isang sundalo, pero balak nyang kumuha at magspecialize ng Emergency Medicine.”

“Posible kayang nasa mga ganung lugar si Nipacio ngayon?” tanong ng opisyal

“Posible Sir, pero tulad ng sinabi ninyo na wala syang matandaan, marahil mahirap syang matuntun, lalo pa na hindi nya kilala ang sarili nya.”

“Ganun na nga, anyway we will do everything we can to locate Private Nipacio as soon as possible. We have already place ads sa TV at radio. I will be meeting with his parents, para macoordinate ang lahat ng kilos.”

“Yes Sir, request lang po Sir?”

“Yes Private, ano yun?”

“Pwede po ba akong ma keep in the loop sa kalagayan ng paghahanap Sir?”

“Oo naman, I will instruct the team to keep you informed.”

“Thank you Sir.” Wika ni Kimjohn

“You’re Welcome Private. Magpagaling ka at marami pa tayong mission na gagawin sa Mindanao.”

“Sir Yes Sir” Sagot ni Kimjohn. Sabay saludo sa opisyal

Gumanti ng salute and opisyal at tumalikod na.

Ika-siyam na Tagpo

Sa bahay ng mga magulang ni Nipoy, kasalukuyang naguusap amg kanyang Ama at ang si Col. Maraiano

“Base sa paglalahatd ninyo Col Mariano, kasalukuyang nawawala si Nipoy at hindi ninyo sya malocate mula ng sya ay umalis sa ospital?” tanong ng kanyang amang doctor.

“Yes Sir, ginagawa po namin ang lahat para po sya matagpuan, pero wala po kaming lead. Meron kaming narinig na ayon sa mga kwento ay may isang di kilalang lalaki, hawig sa hitsura ni Pvt. Nipacio, na di-umano’y tumulong sa isang pamilya sa may Limao, Bataan. Ayon sa nakausap namin, maysakit ang isang anak ng isang pobreng pamilya at habang sakay ito ng tricycle papuntang ospital ay di sinasadyang nasiraan ang sasakyan. Ayong sa ama ng bata, may isang lalaki na lumapit, at binigyan ng first aid ang bata. Ayon sa mga doctor, kung hindi yun ginawa, maaring hindi na umabot sa ospital ang bata. And masaklap lang po, hindi namukhaan ng mga magulang yung tumulong sa kanila.”

“Maaring si Nipoy yun, noon pa man malapit ang loob nya sa mga bata at sa mga maysakit, at nung nagaaral sya ng medisina, malimit tuwing bakasyon nasa iskwater area sya at nagbibigay tulong sa mga medical missions. At kung walang magawa, madalas nasa klinika ko at ginagawa ang mga gawain ng mga nurse assistants.” Wika ng ama

“Napansin nga po namin yang skill nya nung nagti-training sya, at tuwing may nasusugatan o nasasaktan sa training ay inaasikaso nya agad. Malimit ding nasa medical station si Nipacio at kausap ang mga medical staff. Maitanong ko lang po, maganda naman ang kurso niya at di naman nahuhuli ang kanyang mga grado, ayon nga sa nakausap naming mga kaklase nya, isa sya sa mga nangunguna sa kanilang klase. Pero bakit po sya huminto at pumasok sa pagkasundalo?” Tanong ni Col. Mariano

“Mahabang kwento Colonel. Noong high school pa lang si Nipoy may kaklase syang naging malapit sa kanya. Isang babaeng hikain at patpatin, si Salome. Madalas itong dalawin ni Nipoy at inaalagaan. Sa palagay ko, isa ito sa mga dahilan kung bakit pinili nya ang medisina, gayong pangarap nya talagang maging isang abogado, gaya ng kanyang tito.”

“Sa pagkakaalam namin, naging magkasintahan si Nipoy at si Salome at sabay silang pumasok sa unibersidad ng Pilipinas. Second semester, noon ng umuwi si Salome dito sa probinsya, ng tambangan sila ng mga NPA. Apat silang mga babae na ginawang human shield ng mga rebelde, kaya ng nakaenkwentro nila ang militar, isa si Salome na natamaan at nasawi.” Wika ng ina ni Nipoy

“Hindi tinapos ni Nipoy ang semestre, umalis ito, at nalaman na lang namin na pumasok pala ito bilang isang sundalo. Nasa America na kami ng mga panahon na yun, at nalaman na lang namin ito mula sa kanyang tiyuhin kung sya nanunuluyan.” Pagpatuloy ng ama.

“Marahil, gusto nyang gumanti, o siguro, gusto nyang makalimot, o kung ano man ang kanyang dahilan, pinilit namin syang i-discourage, pero kung kilala mo si Nipoy, once na set na nya ang kanyang utak, hinding hindi mo na ito mabago.” Dagdag ng ina.

“I really don’t know kung ano man ang motive ni Nipoy Colonel, ang mahalaga sa ngayon matagpuan sya, lalo na sa kalagayan nya. Kung ano man ang maitulong namin sa paghahanap ninyo. Sabihin lang po ninyo. I have also asked several of my friends to provide you any assistance you will need. You may call us anytime, day or night, kung may impormasyon na kayo.”

“It’s ok Sir, salamat sa assistance, but we can manage. Napakalat na po namin sa lahat ng military detachments, and units sa buong bansa ang kanyang picture. Sooner or later, matatagpuan din namin sya.”

“Please, colonel, hanapin po ninyo ang anak ko.” Sumamo ng ina ni  Nipoy.

“We will Maam, you can count on that.” Sabay tayo no Col Mariano. “Sir, Maam, hindi na po ako magtatagal. Salamat po sa mga details ni Nipacio, we will put that on record. Isa lang po masabi ko, be proud po, Nipacio was a Hero, he saved his fellow soldiers on the field of battle, and we have recommended him to receive the Medal of Distinguish Service kapag natagpuan na natin sya.”

“At this point colonel, honors to us don’t matter, mas mahalaga sa amin na matagpuan sya.” Sagot ng ama.

“It basically the same concern that we have Sir. And umasa po kayo, hindi kami hihinto hangat di namin sya natatagpuan.” Pagkawika nun ay umalis na si Col Mariano, habang nagyakap ang kanyang ina’t ama.

“May awa ang diyos mama, may awa ang diyos, ipagdasal natin sya.”

Ika-sampung tagpo.

Sa isang liblib na barangay malapit sa Sta. Maria, Ilocos Norte, pauwi na si Mang Kardo na isang magsasaka. Kagagaling nya lang sa bayang kung saan namili sya ng mga buto para sa kanyang gulayan, at mga de-latang hiniling ng kanyang mga anak. Sa bandang unahan, nakikita nya ang isang lalaki na nakaupo sa isang natumbang puno. Ng malapit na sya, napansin nyang payat na payat ito at tila hapong hapo ito, at mukhang gutom na gutom. Lumapit si Mang Kardo at kinausap ang lalaki.

“Amang, tila napakalayo ang pinanggalingan mo. Saan ka ba papunta?”

“Mangandang tanghali po.” Wika ni Nipoy

“Mukha namang magalang, at edukado at hindi sinto-sinto tulad ng unang akala ko…” wika ni mang kardo sa sarili. Bumaba sa kanyang kalabaw, kinuha ang dalang tubig at iniabot kay Nipoy.

“Saan ka ba galing at tila nawawala ka ata?”

“Pasensya na po kayo manong, hindi ko kayo mabigyan ng sagot, ang alam ko lang galing ako ng Manila, nagkaroon siguro ako ng aksidente, dahil nagising ako sa isang ospital, ni hindi ko maalala ang pangalan ko.” Wika ni nipoy

“Ano? Eh paano ka nakarating dito? Di hamak ang layo nito sa Manila. Halos dulo na ito ng Pilipinas.” Gulat ng sagot ni Mang Kardo. Umupo ito sa tabi ni Nipoy.

“Bago ka sumagot matanong kita, kumain ka na ba? Meron akong baong kamote at saging dyan na hindi ko naubos kanina. Pantawid gutom din yun, sandali lang kukunin ko.”

Kinuha ng mang kardo ang pagkain at binigay kay Nipoy.

“eto, kumain ka.”

“Salamat po.”

Habang kumakain si Nipoy, ay mataman syang pinagmamasdan ni Mang Kardo. Ng matapos si Nipoy.

“Ako ng pala si ricardo inocentes, kardo ang tawag sa aking ng mga kabaryo ko.”

“Hindi ko alam ang totoong pangalan ko, pero ang alam ko, tintawag akong Juan dun sa ospital.”

“Ah Juan, marahil yun ang pansamatalang pangalan mo. Paano ka naman napadpad dito sa Sito Malinit.”

“Nung umga po kasing nagising ako, uhaw na uhaw ako, kaya bumangon ako, hilong hilo po ako nun, at naghahanap ako ng maiinom na tubig. Marahil mga alas tres yun ng umaga at ng nakarating ako sa may mga nars, wala akong inabutan, sabi nung isang lalaki na nakita ko dun, wala na nga din syan tubig at niyaya nya ako bumili na lang sa may labas. Kaso naka damit-ospital ako. May nakita akong bag, ay may damit panlalaki, yun ang sinuot ko. May nakita din akong pera, mga barya, sabi ko sarili ko ipagpaalam ko na lang pagbalik ko.” Saglit na uminom ng tubig si Nipoy

“Sumama po ako dun sa lalaki, para bumili ng tubig. Kaso dahil madaling araw pa, wala halos bukas na tindahan at malayo-layo din ang nilakad namin bago kami nakakita ng bukas. Habang andun kami, nakatangap ng tawag yung kasama ko, na agad naman syang tumalilis, sabi nya lang manganganak na misis nya. Pinilit ko syang sundan, pero dahil hilo pa ako, di ko na nakita kung saan saan sya dumaan. Nawala na ako, kaya nglalakad lakad ako, umaasa na makabalik sa ospital. Ayun po, hangang nakarating na po ako dito.”

“Susmaryosep naman, gaano naman katagal kang naglalakad?”

“Mag-iisang buwan at kalahati na po akong palakad lakad. Kung saan abutin ng gutom o antok, dun na po ako nagpapahinga. Minsan, may mga mababait naman na pinapatulog ako at pinapakain, minsan sa mga estasyon ng pulis at bus.” Sagot ni Nipoy

“Ang hirap naman ng pinagdaanan mo. Pero sabi mo wala ka talagang matandaan?”

“Opo, may mga panahon na kung minsan nananaginip ako, pero malabo po. May mga mukha akong nakikita, pero di ko maalala. Pero meron isang babae na madalas napapanaginipan ko, pangalan nya sinabi nya sa akin sa panaginip – Salome. Pero kahit anong gawin ko hindi ko talaga matandaan kung kaano-ano ko sya.”

“Alam mo Juan, mahirap yang ginagawa mno, lakad ka ng lakad, tapos wala ka namang direksyon, hindi mo alam saan papunta, sinong pupuntahan, aba daig mo pa si Samuel Bilibeth nyan.”

“Opo, yan din po sinabi sa akin nung isang pulis na nakausap ko. Kinuwento pa nya sa akin sino si Samuel Bilibeth.”

“O paano Juan, medyo may kalayuan pa yung lugar ko, kailangan ko ng umalis.” Wika ni Mang Kardo

“Opo, sige po, muli po maraming salamat sa kamote’t saging.” Sagot ni Nipoy.

Sabay silang tumayo, at habang inaayos ni Nipoy ang dala-dalahan si mang kardo nama’y hinila na ang kanyang kalabaw pabalik sa kalsada.

“Mang Kardo, saan po ba papunta ang kalsadang ito?” turo ni Juan kung saan galing si mang kardo.

“Yan ang papuntang bayan ng Sta. Maria, dito naman sa kabila, kapag tinuloy tuloy mo, makakarating ka ng highway, Kung kakanan ka, Papunta kang Pagudpod, kung kakaliwa na naman, papunta ka sa syudad ng Tuguegarao.”

“Ah, ganun ho ba. Sige po, salamat po uli. Tutuloy na po ako.” Wika ni Nipoy.

“Teka, may pupuntahan ka ba sa Sta. Maria? Ang sabi mo, wala kang matandaan at wala kang kakilala?”

“Opo, wala din po akong kila sa Sta. Maria, magbabakasakali lang po na baka may makakita sa akin at kilala ako.” Wika ni Nipoy.

“Juan, sandali lang, bakit di ka nalang muna sumama sa akin sa bahay. Apat lang naman kami dun, ako, si misis at ang dalawa kong mga anak. Ung panganay ko kasi, nasa kolehiyo sa Tuguegarao at buwanan lang kung umuwi. May kamalig ako dun na minsan kapag lasing ako, eh dun na ako nakakatulog. Bakit di ka muna magpahinga dun, bukas mo na ipagpatuloy ang paglalakad mo.”

“Nakakahiya naman sa inyo Mang Kardo, ok lang naman po na maglakad ako hangang bayan. Maaga pa naman.” Sagot ni Nipoy.

“Anong maaga, gabi ka makakarating dun. Halika ka na at wag ng maghiya-hiya pa. Isa pa matutuwa si misis dahil, minsan lang naman kami nagkakaroon ng bisita dahil sa layo namin sa bayan.”

“Hindi ho kaya maging pabigat ako sa inyo? Hayaan nyo po, tutulong po ako mga gawain ninyo para naman makabaywad sa kabaitan ninyo.”

“Hala, sumakay ka dyan sa karosa ko, at ng di tayo masyadong mahapunan sa daan.” Sagot ni Mang Kardo.

Sumakay na nga si Nipoy sa karosa, at habang nasa daan ay nagkukwentuhan sila ni Mang Kardo.

Ika-labing-isang Tagpo

Taong 2000

Sa Sitio Mainit, isang barangay malapit sa Sta. Maria…

“Kuya Juan, tama na po daw yan sabi ni tatang, andito na po sya at kakain na daw po kayo.” Sigaw ni Carlo, anak ni Mang Kardo.

“Sige, at kanina pa nga ako nagugutom.” Sagot ni Nipoy na nakasanayan na ding tinatawag syang Juan

“Aling Mercy, napalitan ko na po yung mga benda sa sugat ni junior, ingatan lang po ninyo na wag mabasa o madumihan, tapos ibalik nyo sya dito sa makalawa para matingnan ko uli kung natangal na ang impeksyon.”

“Oo Juan, salamat naman, marahil kung di dahil sa iyo, baka kung napaano na si Junior.”

“Walang anuman, ganun ho talaga ang mga bata, madalas nasusugatan dala ng kalikutan at curiosity. Marami silang gustong madiskubrehan, at hindi pa nila alam ang maaring idulot nito, Kaya nga dapat gabayan at turuan natin sila.” Wika ni Nipoy sabay baling kay junior.

“Junior, sa susunod, magiingat ka. Tingnan mo tuloy, ilang araw ka nang di nakapasok sa paaralan dahil sa kalikutan mo. Sumunod parati sa mga turo ng magulang, pwede ka namang maglaro ng di ka nasusugatan.”

“Opo Sir” sagot ni junior

“O, sige lumakad na kayo bago kayo abutan ng hapon, may kalayuan pa naman ang saka ninyo.” Wika ni Nipoy

“Salamat Juan, paano yan, gulay lamang po ang maari kong maibayad sa iyo.”

Sa puntong ito ay dumating si Mang Kardo.

“Hayaan na po ninyo, ang mahalaga gumaling si junior. Yang gulay, i-abot ninyo kay Father Nando sa kapilya, sabihin ninyong dinala ninyo para sa kanya. Wag mong sabihin na galing sa akin, dahil mamaya pupuntahan na naman ako nun dito at mauubos oras ko sa huntaan naming di matapos tapos.” Nakangiting sambit ni Nipoy

“Sige, muli maraming salamat.” Wika ni Aling Mercy

“Walang anuman. Tandaan po ninyo ang bilin ko.”

“Opo, aalis na po kami, Mang kardo, kami ho’y yayao na.”

“I sige mercy, junior, magiingat kayo sa daan. Ikaw junior, ingat sa kakaakyat sa mga puno.” Sagot ni Mang Kardo.

Umalis na si aling Mercy at si junior at si Nipoy nama’y naghugas ng kamay at lumapit sa isang mesang gawa sa kawayan kung saan nakalatag na ang dalang pagkain.

“Carlo, kunin mo na ung tinimplang kape ng nanang mo ng mainitan naman ang tyan ng kuya juan mo.”

“Opo tatang” sabay nagmamadaling umalis ni Carlo

“Juan, halika na habang mainit pa itong sinaing. Kanina pa sana namin ito nadala, kung di gawang napakabagal kumilos nyang si Carlo.”

“Ayos lang po yun Mang kardo, marami din po akong ibang inasikaso.” Nakangiting sagot ni Nipoy

“Ayan, me nabingwit akong maliliit na isda sa may sapa kahapon, ipinaksiw ng Nanang mo, masarap yan.”

“Oo nga po amoy pa lang tulo na laway ko.”

“O sya kumain na tayo.”

Matapos kumain, naupos si Mang kardo sa isang papag sa labas ng kubo. Maya-maya pa’y lumapit na si Nipoy at umupo sa tabi ni Mang kardo.

“Malapit na naman ang anihan Mang Kardo, sana po di pa dumating ang mga bagyo, ng sa ganun di tayo matalo sa kita tulad nung huling anihan.”

“Oo nga.” Habang nakatingin sa kanyang bukid

“Juan, parating na ang kapistahan ng barangay, ikaw ba may balak na mamasyal? Balita ko maraming mga dalagang umaasa na sana pasyalan mo naman.”

“Baka po sasaglit ako sa mismong araw ng pista para makapamili ng konting gamot. Halos paubos na po ang supply ko ng anti-biotic at paracetamol. At tungkol naman dyan sa mga dalaga na yan, kelan kaya nila ako tantanan? Nahihirapan na akong tumangi sa mga pangiimbita nila sa mga sayawan. Alam mo naman parehong kaliwa paa ko pagdating dyan.” Patawang sagot ni Nipoy.

“Alam mo Juan, ni sa panaginip di ko maisip na may isang taong magmamalasakit sa aking kabaryo tulad ng ginawa mo. Marahil kung di dahil sa iyo, hindi magkakarron ng magandang medical station dito.”

“Si Father Nando ang dapat nyong pasalamatan. Sya yung nagsimula ng programang ito, ang akin ay tulong lang, maliit na bagay po yun.”

“Anong maliit? Di mo ba napapansin, kahit yung mga nars at mga doctor na gumagawa ng medical mission dito pinupuri ka, at tinatawag ka pang doctor. Teka, yung isang nars na maganda, si… ano nga bang pangalan nya? Yung taga Baguio nga…”

“Si Fely po..”

“Yun. Sya nga… kamusta na, alam ko balik sya ng balik dito dahil sa iyo. Sya mismo nagsabi nun sa akin. Ano na?” tanong ni mang Kardo

“Wala po yun. Minsan sumusulat at nangangamusta, pero madalang ko nang masagot. Oo nga pala nuong nakaraang lingo, may pinadala sya ditong isang kahon ng iba’t ibang gamot na pinag-ambagan nilang magkaklase. Merong nga ding isang second hand na cellfone. Pero sabi ko nga wala namang signal dito sa sitio natin kaya di ko din magamit.”

“Aruu, nakita mo na… may gusto yun sa iyo, hindi mo pa ba nahahalata? Ay naman kakupad ng kilos ng manok ko. Ano ba gusto mo gawin dyan sa alaga mo? Gawing paksiw, tulad ng paksiw ng nanang mo?” nagtatawang biro ni Mar Kardo

“Kayo ho talaga Mang Kardo, kung ano ano na lang pumapasok sa isip ninyo. Mabait lang po talaga si Fely, saka galing sa may kayang pamilya, barya lang sa kanya yung mga pinapadala nya. Wag mong lagyan ng ibang kahulugan yung pagkamabait nya.”

“Wala lang Juan, kasi maglilimang taon ka na dito, pero hindi kita nakitang naging seryoso sa mga dilag dito. Andyan si Susan, yung anak Aling Kare si Imelda, sino pa nga ba? Si ano pala, si Neneng na anak ni Igmeng Lasingero. Ang lagkit ng mga tingin nun sa iyo… Aysus, kung ako nasa lugar mo, baka nahilera ko na yung mga yun.”

“kayo talaga ang hilig nyo pa din.” Sagot ni Nipoy

“Paano kasi, halos ipagduldulan na nila sarili nila sa iyo, andyan yung magpahilot, akala mo may pilay, tapos sa dibdib… aba kelan pa nagkakapilay ang suso” tumatawang sambit ni mang kardo.

Saglit na natahimik si Nipoy at makatingin sa malayo

“Ayan Juan, nagiisip ka na naman.”

“Mang kardo, maglilimang taon na nga pala ako dito, parang kelan lang nakasakay pa ako sa karosa mo. Natatandaan mo ba yung umagang paalis na ako at pilit ninyong binibigay yung naipon ninyo para umano may baon ako sa daan?”

“Oo naman, yun ang dahilan kung bakit di ka na nakaalis. Paalis ka ng dumating si Father Peter, yung sinundan ni Father Nando. Manghihiram ng tricycle para madala sa bayan yung dalawang anak at isang pamangkin ni Aling Esther na nasugatan sa pagkahulog gawa ng gumuho nilang balkon.”

“Oo nga hindi pa din mawala sa isip ko na nakakita ng isang pari n banyaga ang tila naringing kuting na di alam ang gagawin.” Wika ni Nipoy

“Tapos, bigla ka lang nun tumakbo, ni hindi mo alam kung saan ang bahay, buti na lang hinabol ka namin.”

“Parang instinct ko lang kasi yun na makatulong. Di ko naisip na hindi ako taga-rito.”

“Tapos ng nakita mo mga sugat, inutusan mo ung banyagang pari na bumili ng gamot at yung perang binigay mo, yung ang ibinigay mong pambili. Alam mo bang di halos makapaniwala ang nanang mo ng ikwento ko yun sa kanya? Saka pati ako nagulat, dahil kabisadong kabisado mo ang mga gamot na kailangan mo. Akala nga naming lahat noong una, doctor ka.”

“Oo nga po, kaya nagdagsaan lahat at dinala mga may sakit nila. At kahit anogn dabihin ko na di ako doctor, pilit na pinapagamot ung mga maysakit nila. Nahiya na din po akong tumangi nung mga panahon na yun, saka nakita ko na hirap na sila.”

“Alam mo Juan, marahil di mo napapansin, halos lahat ng taga-dito maging sa ibang malapit n sitio, pumupunta na dito para magpagamot sa iyo.”

“Oo nga po, dumadami na tuloy mga alaga natin dahil halos puro manok o kaya biik ang pinambabayad. Pero kahit papano, nakaipon din naman tayo ng pambili ng segunda-manong tricycle.” Natatawang sagot ni Nipoy.

Akmang sasagot si Mang Kardo, ng biglang nakarinig sila ng ugong na tila galing sa ilalim ng lupa at sinundan ng isang malakas na pagyanig.

“Lindol… lumilindol…”

“Dapa kayo Mang kardo! Carlo, Carloooo, lumabas ka dyan sa kubo at dumapa ka dito sa tabi ng tatang mo.” Sigaw ni Nipoy

Agad naman silang dumapa habang patuloy na yumayanig ang kapaligiran. Maya-maya pa’y huminto ang pagkilos ng lupa. Sa may kalayuan, narinig nila ang isang malakas na pagsabog, at nakita nilang tila slow-motion na duma-usdos ang isang panig ng bundok at tila bahang rumagasa ang lupa pababa sa Sitio Malambong.

“Diyos ko… katapusan na yata ng mundo…” wika ni Mang Kardo.

“Mang kardo, isama mo si Carlo bumalik kayo sa bahay at tingnan baka may nangyari kay nanang. Pupunta ako sa sitio at titingnan kung ano maitutulong ko.”

Pagkawika noo’y agad sumakay sa tricycle si Nipoy at kumaripas papunta sa guho. Hindi alam ni Nipoy na ang lindol ang magiging daan upang tuluyang magbago ang kanyang buhay.

Ika-Labing Dalawang Tagpo

Gabi sa Sitio Malambong, naglalakad si Mang Kardo, dala-dala ang isang bayong na may lamang pagkain, patungo sa isang tent. Naabutan nyang kausap ni Nipoy ang isang opisyal ng barangay.

“Kapitan, kamusta ang coordination mo sa bayan? Alam ba ng mga nasa katungkulan ang mga nangyari dito? Hindi natin makaya ito. Sa nagyon po, hindi pa natin alam kung ilan pa sa mga kabaryo natin ang natabunan ng lupa.” Wika ni Nipoy

“Oo Juan, nangako na si mayor na agad silang magpapadala ng mga kailangan nating gamit, tauhan at mga pagkain.” Sagot ng kapitan

“Magandang gabi kapitan” sabad ni Mang Kardo. “Juan, may pinadalang pagkain ang nanang mo, baka kasi makalimutan mo kumain, Dala ko na din yung mga gamot na ipinasabi mong dalahin.”

“Salamat po Mang kardo, kamusta si nanang?”

“Ayos lang sya, nakahiga at natutulog sya ng mangyari ang lindol, hindi nya halos namalayan kung di lang dahil sa pagsabog, marahil hindi pa nya maramdaman. Salamat naman sa Diyos. Si Carlo at si Nenita, wala namang masamang nangyari, hindi naman sila masyadong naapektuhan.”

“Salamat naman kung ganun,” wika ng kapitan “Sa Sitio Mainit po ba, may naapektuhan ng lindol?”

“Hindi gaano dun, maraming bahay ang natumba at nasira, pero malibas sa mga galos wala namang malubhang nasaktan. Andun ngayon si Kagawad Edgar at pinangungunahan ang maglipat ng mga naapektuhan sa kapilya kung saan pansamantala silang maninirahan.” Wika ni Mang Kardo.

“Sabagay, talagang maasahan yang si Edgar sa mga ganitong sitwasyon. O sige, aaskasuhin ko muna yung mga taong in-charge sa pailaw.” Sambit ng kapitan habang paalis

“Kumain ka muna Juan, gabi na at tila hindi ka pa nakapagpahinga mula kanina.”

“Sige lang po, pakilagay na lang po ninyo sa mesa yung dala ninyo, at aayusin ko pa yung mga gamot na dala ninyo.”

Habang kumakain si Nipoy

“Ang dami ng nasaktan ng lindol, kawawa naman. Buti na lang andito ka at agad silang nalapatan ng panandaliang tulong.”

“Mahigit isang daan ang kasalukuyan nakaratay dito ngayon, ang dinig ko, mahigit dalawang daan pa ang natabunan at hindi pa nakikita. Hinuhukay pa sa ngayon. Kasalukuyan kasing market day, kaya yung mga galing sa ibang bayan at sitio nagkaipon at namimili. Yung palengke daw ang unang naabot ng lupa sabi ng mga nakakita.”

“Alam mo Juan, hindi ko talaga alam kung paano mo nakayang asikasuhin lahat ito. Minsan, hindi ako naniniwala na hindi ka doctor. Alam na alam mo kung ano ang gagawin, alam mo din ang mga gamot.” Patanong na wika ni Mang Kardo

“Ganun din po ako Mang kardo. Hindi ko din alam bakit kapag nakita ko ang nasaktan, parang may bang may nagsasabi kung ano ang gagawin ko. Tulad na lang ng paglalagay ng dextrose, pag-injection. Hindi ko alam kung bakit, pero alam ko paano gawin.” Minsan ako man din nagiisip, na baka doctor nga ako bago ako naaksidente.”

“Kung ano man yun Juan, ang mahalaga nagagamit mo ito para sa kabutihan ng mga kababaryo natin.”

Nasa ganun silang paguusap ng biglang parang may nagkagulo sa labas ng tent.

“Juan, Juan, may nahukay silang bata, papunta na dito, sabi ni kapitan i-handa mo daw yung isang kama.” Hangos na wika ng isang volunteer.

Maya-maya pa’y dumating na ang isang grupo dala ang isang stretcher kung saan may batang putikan na nakaratay.

“Juan, natagpuan namin syang nadaganan ng isang poste ng palengke, ng pulsuhan namin, mahinang mahina na pero buhay sya.” Wika ng volunteer. “Katabi nya ang isang matandang babae, palagay namin kaanak nya, pero wala na itong buhay.”

“Ilatag niyo sya rito. Bilis! Alisin ninyo damit nya at punasan…” Wika ni Nipoy

Agad pinulsuhan ni Nipoy ang bata, kinuha ang stetoscope at pinakingan ang dibdib. Napansin nyang hirap itong huminga at nangingitim ang dulo ng mga daliri. Sa puntong ito, dumating ang kapitan.

“Juan, kamusta ang bata?”

“Kap, kailangan nitong mahatid agad sa ospital, sa tingin ko, maaaring nagcollapse ang baga nito sa kanan gawa ng pagkadagan sa kanya, tapos napansin ko ding parang nakakain ito ng putik, at nahihirapan itong huminga dahil sa barado ang daanan ng hangin. Pero sa kalagayan nyang yan, hindi sya aabot ng ospital kung hindi magawan ng paraan na makahinga sya at, mapalobo ang nagcollapse nyang baga. Kailangang ma-stabilize sya bago bumiyahe.” Wika ni Nipoy

“Andyan ang sasakyan ko at driver, pwedeng mahatid agad ito sa ospital, pero ano ang maaring gawin para mabyahe sya.”

“Wala tayong gamit pang-opera, Anong balita sa mga doctor na sabi ni Mayor papunta dito?” tanong ni Nipoy

“Aabutin pa daw ng mga 4 na oras bago sila makakarating dito. Inipon pa nila mga gamot at mga gamit na dadalhin nila dito.” Sagot ng kapitan

“Hindi na aabot. Kailangang may gawin tayo.” Sabi ni Nipoy, sabay baling sa mga volunteer. “Linisin ninyo yang mesa, linisin nyo ang bata at ilatad dun. Bilisian nyo.”

Agad namang kumilos ang mga volunteers.

“Kap, kailangan ko ng dalawang ballpen na may butas ang gitna.”

“Ito, pwede na ba ito?” abot ng kapitan kay Nipoy na agad namang sinuri ang ballpen

“Pwede na ito, kailangan ko pa ng isa pa.”

“Meron ako dun sa bag ko, kukunin ko.” Wika ng kapitan at agad naman umalis para kuning ang ballpen.

“Mang Kardo, pakiabot ng alcohol ko dyan sa dala ninyong bag.” Binalingan ni Nipoy ang mga volunteers “Kailagan ko ng assistant na hahawak sa ilaw, kailangan maliwanag sa ooperahan ko, hindi tayo pwedeng magkamali dito.”

Naghugas ng kamay si Nipoy gamit ang alcohol, sabay hinugasan ang mga gamit at mag ballpen pati na din ang bata.

“Kapitan, Mang kardo, hawakan nyo sa magkabilang kamay ang bata… kayo, hawakan nyo ang kanyang mga paa.”

Matapos nito, muling hinugasan ni Nipoy ang leeg ng bata kung saan dumugtong ito sa kanyang katawan… Gumawa ng isang maliit na sugat at dahan-dahang isisuksok ang isang ballpen, hangang narinig nyang ang malayang pagdaloy ng hangin, agad nya itong nilagyan ng tape para di na gumalaw. Pagkatapos naman ay lumipat si Nipoy sa tabi at tila may kinapa sa may dibdib ng bata. Hiniwa si Nipoy ng parte na kinapa nya, at tulad nung una, ay unti-unti nyang sinusuksok ang isa pang ballpen. Ginagawa nya ito paulit-ulit, hangang narinig ng lahat ang isang malakas na higop ng hangin kasabay ng tila napalakas na higop ng hangin sa ballpen na nilagay nya sa may leeg ng bata. Agad namang nilagayan ng tape ni Nipoy ang mga ballpen para hindi gumalaw.

“Ikaw” turo sa isang volunteer, “siguruhin mong sa byahe, hindi magagalaw yang ballpen. Sa ngayon, malayang nakakahinga ang bata sa pamamagitan ng ballpen na yan.” Sabay baling sa kapitan

“Kap, nagawang natin ng emergency method at napagana na natin ang nagcollapse nyang baga, pero pansamantala lang ito. Yung ballpen, dyan ngayon humihinga ang bata, pansamantala din. Sa ospital matatangal nila yang bara sa lalamunan nya, para maging normal na panghinga nya. Ingatan nyo ang sugat nya para hindi magkaimpeksyon. Sabihin mo sa doctor na tatangap sa kanya, hindi sterilized ang pinaggawan ko nyan kaya mataas ang chances na maging septic ang bata. Alam na nya gagawin nya. Lumakad na kayo, para maligtas ng tuluyan yang bata.”

Agad na nilipat sa stretcher and bata at sinakay sa jeep ni kapitan at umalis na ito.

“Juan… paano mo nagawa yun?” Manghang tanong ng Kapitan

“Di ko din alam Kap…basta lang alam ko, kung paano di pa kita masagot.”

Magtatanong pa sana ang kapitan ng pumasok ang isang volunteer

“Kapitan, tinawag po kayo ni mayor sa radio.”

“Ok, sige, papunta na ako. Juan mamaya na tayo maguusap.” At tumalikod na ang kapitan

“Juan, mabuti siguro, umupo ka muna, ang putla-putla mo at parang hapong-hapo ka at nanginginig ka pa.” Wika ni mang kardo

“Opo… alam nyo, hindi ko po alam kung bakit at paano ko natanto kung ano gawin. Ang nasa isip ko lang, matulungan ang bata.”

“Juan, sa mga nakita kong ginawa mo, hindi na ako magtataka kung darating ang araw, kapag nanumbalik na ang isip mo, ay malaman nating isa ka palang tunay na doctor.” Wika ni Mang Kardo.

Ilang oras pa silang nanatili dun sa tent, habang dahan dahang dumadating ang mga nabiktima ng lindol, per maliban sa mga galos at pilay, wala namang malubha. Kaya bandang alas-tres ng umaga, ay pakaidlip-idlip si Nipoy at mang kardo.

Mag-aalas singko ng umaga ng nagising si Nipoy sa kaguluhan sa labas. Agad siyang lumabas upang alamin ang nangyayari. May nahukay pala ang mga volunteer na isang lalaki at parating na ito sa kanyang kinaroroonan. Agad hinanda ni Nipoy ang mga emergency equipment.

Ng ipasok ng mga volunteer ang biktima, agad napansin ni Nipoy na laylay ang kamay nito’t paa, palatandaan na nadurog ang mga buto nito. At sa tagiliran nito, isang malaking sugat, na kung saan, lumuwa ang mga bituka. Pinipigilan lang ito ng mga volunteer para hidi umalagwa.

“Juan, malubha ang isang ito, kailangan ng malapatan ng lunas.” Wika ni Mang Kardo

“Oo nga, pero hindi ko na kaya ito. Maliban sa wala tayong instrumento para gumawa ng emergency response.”

“Merong pa ba kayong emergency kit? Ang mga doctor matagal pa ba?” Tanong ni Nipoy sa isang volunteer

“Meron dito doc, ung pinadala ni mayor. Bago lang dumating, may mga gamit din dito para sa doctor. Yung mga doctor parating pa lang, mga 30 minutes andito na sila. Nauna lang ang gamit dahil dito sila sa shortcut dumaan.” Sagot ng volunteer

 “Sige, ihanda na ninyo ang biktima at maghuhugas lang ako. Halika mang kardo, kailangan mo ding maghugas. Hindi man sterile ang lugar, kahit man lang sa precedure ay makatiyak tayong malinis para maiwasan ang impeksyon.”

Matapos makapaghugas, agad namang inasikaso ni Nipoy ang biktima. Una, nilagyan nya ito ng neck brace upang di na gumalaw ang ulo at dextrose. Tapos nilisan nya ito, ginupit ang maputik na damit, saka tiningnan ang sugat.

“Mang kardo, kailangang mahugasan natin ang bituka at laman loob ng biktima, hindi natin ito pwede basta na lang ibalik dahil baka ito pa ang ikamatay nya. Kumuha kayo ng malinis na tubig. Yung distilled water dyan, isang litro at lagyan ninyo ng isang kutsarang asin.”

Agad namang tumalima si Mang Kanor. Nagsimula si Nipoy na hiwain at pinalakihan ang butas kung saan lumabas ang bituka. At ipinasok ang kamay, kinapa nya kung may putik na nakapasok. Ng mapansing wala, pinisil pisil ni Nipoy at tyan at dibdib, tiningnan kung may nangingitim na parte.

Lingid sa kaalaman ni Nipoy, ay dumating na ang mga doctor na pinadala ni mayor. Kasabay nilang dumating ang ilang pang mga doctor na galing pa ng maynila na rumesponde sa nangyaring trahedya. Agad naman silang pumunta sa tent ni Nipoy at tinitingnan ang kanyang ginagawa.

Agad lumapit ang isang doctora na kilala na si Nipoy dahil ilang ulit na itong nakapagsawa ng medical mission sa baryo, inasist nya si Nipoy. Matapos malinis ng tubig at asin, ay nilinis naman ni Nipoy ng dextrose ang mga bituka at dahan-dahang ibinalik sa tyan ng biktima. Pagkatapos noon, ay tinahi at binendahan. Agad tinawag ni Nipoy ang isang volunteer.

“Hayaan mo muna syang makapahinga ng mga 15 minutes, then isakay nyo sa sasakyan at dalahin sa bayan.” Pagkasabi noon, ay sinulat ni Nipoy sa isang papel ang kanyang mga ginawa at dinikit sa katawan ng biktima.

Noon pa lang napansin ni Nipoy ang mga doctor na kararating lang. Binalingan nya ang doctorang tumulong sa kanya.

“Salamat naman dumating na kayo Doc. At least, may mga tunay na doctor ng mangaasikaso sa mga biktima.” Wika ni Nipoy

“Juan, ang ginawa mo dun sa biktima, gawain ng doctor yun. Marahil kung di kita kilala, hindi ako maniniwala kung sasabihin mo sa akin na hindi ka doctor.”

“Emergency na kasi Doctora, hindi ko na kayo maantay, bumagsak na ang blood pressure ng biktima, at kailangan ng malapatan ng solusyon.”

“Alam ko Juan, at kung makakaligtas ang inoperahan mo, magpapasalamat sya at niligtas mo buhay nya, kahit hindi ka doctor.” Wika ng doctora.

Sa puntong yun, pumasok ang isa pang doctora na siyang nagasikaso sa mga gamit na dala dala. Pagpasok nito, saglit itong napahinto… matamang tinitigan si Nipoy… at mahinang nasabi…

“Nipoy?”

Ika-Labingtatlong Tagpo

Sa medical tent, kasalukuyang nakaupo sa isang tabi si Nipoy humihigop ng mainit na kape. Kaharap nya ang 3 doctor, si Mang Kardo at ang kapitan ng barangay.

“Yun na nga ang huling nalaman namin tungkol sa iyo. Ayon kay Col. Mariano, huli kang nakita na lumabas ng PGH, at mula noon ay pinaghahanap ka na. Maglilimang taon ka ng hinahanap ng lahat ng nakakakilala sa iyo. Maging ang military units sa buong bansa hinahanap ka.” Paliwanag ni Dr. Sheryl Miranda, sa syang nakakilala kay Nipoy.

“Wala akong memorya, maliban sa noong nagising ako at lumabas ng ospital. Sabi mo Jonathan Nipacio ang tunay kong pangalan. Pero, hindi ko kilala ang taong ito. Sabi mo sundalo ako, pero wala akong nakikitang bakas o kilos ko na masasabi kong sundalo nga ako. Marahil, totoo sinasabi mo, maari ding kamukha ko lang ang sinasabi mo Jonathan NIpacio.” Wika ni Nipoy

“Ah oo nga pala Doctora Sheryl, bakit kilalang kilala mo si Juan, o si Nipoy, kamo?” tanong ni Mang Kardo.

“Mang Kardo, magkakapit bahay po kami ni Nipoy at kalaro ko sya mula nung bata pa kami. Sabay kaming pumasok ng elementarya. Best friend ko si Salome, na sya namang naging kasintahan nya at ang best friend nyang si Das, ngayo’y Atty. Dimas Parecho, naman ang naging kasintahan ko. Madalas kaming magkakasamang namamasyal at magdate noon. Andun din ako ng mamatay si Salome, hangang nilibing. Kaklase ko din si Nipoy sa UP College of Medicine.” Wika ni  Dr. Miranda

“Nagbago ang mundo mo Nipoy ng mamatay ang kasintahan mo si Salome. Hindi nakakausap, tahimik, at hindi ka na pumapasok.” At bumaling si Dr. Miranda sa mga kausap.

“Alam po ba ninyo na maliban sa pinakabata, si Nipoy ang pinakamagaling sa klase namin. Advance sya sa lahat ng antas, dala marahil dahil doctor ang kanyang ama, at mula pagkabata ay tumutulong na sya sa klinika ng ama nya, pero talaga hong magaling sya. Isang taong na lang sana, at the age of 19, matatapos na nya ang kurso nya. Isa sya sa mga tinatawag na prodigy sa larangan ng medisina. Kaya nga lahat kami nagulat ng malaman naming huminto sya at pumasok sa pagkasundalo.”

“Doctor, pwede mo bang ikwento sa akin si Salome?” tanong ni Nipoy

“Nipoy, si Salome nakatira sa tabing bahay namin. Una mo syang nakita nung lumipat sila at nagkataong naglalaro tayo sa bakuran namin. Ikaw mismo ang lumapit at niyaya syang maglaro kasama ko. Dun ung nagsimula. Hangang sa pumasok tayo ng elementarya. Pero naging mas close kayo nung High School ng malaman mong isa syang asmathic. Natatandaan ko pa, na halos lahat ng libro tungkol sa sakit ni Salome, binasa mo at pinagaralan kung ano ang gamot.”

“Alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit unti-unting gumanda ang kalagayan ni Salome. Ikaw ang nagsikap na mabili ang gamot nya galing sa amerika. Nakita ko kung paano mo iniipon ang pera mo, at maghanap ng paraan para magkapera mabili lang ang gamot nya. Hindi mo alam, ingit na ingit ako sa inyong dalawa, high school pa lang tayo, sinabi mo na sa kanya na pakakasalan mo sya.”

“Tungkol naman sa aksidente?” tanong ni Nipoy

“Ang alam ko lang, umalis si Salome upang pumunta ng probinsya. Sabi nya sa akin, may kukunin lang. Pero alam ko na ilang araw bago sya umalis ay madalas kayong magsagutan at nagaaway. Pinagseselosan ni Salome si Doctor Mendoza, yung seksing professor natin sa Pharmacology 2201. Madalas daw kasi nya kayong nakikita na magkasama at parang close na close kayo. Minsan naikwento mo nga sa akin na humahanga ka sa kanya dahil maliban sa maganda at seksi ay matalino pa. Attracted ka sa mga ganung babae.” Wika ng doctora

Pero, alam kong si Salome lang ang laman ng puso mo. Sinabi ko nga sa kanya na wag mabahala, dahil kilala kita at alam kong sya lang ang mahal mo. Pero si Salome kasi, masyadong possessive sa iyo. Ewan ko lang, marahil dio mo na din matatandaan na minsan na din kayong nagaway dahil nagselos sya sa akin at kung bakit inahatid mo ako hangang sakayan. Dahil nga yun sa isang manliligaw ko na sobrang kulit.”

“Tapos?” tanong ni Nipoy

“Tapos, un nga, noong araw na yun, nagpaalam sya sa akin, uuwi daw muna sya ng probinsya dahil may kukunin sya dun. Sabi ko nag bakit di na lang nya antayin ang weekend, para masamahan mo sya. Dahil un naman parati nyong ginagawa. Sabi nya sa akin, marami ka daw inaasikaso at ayaw ka nyang maabala. Dun na, ng tambangan sila ng NPA at isa sya sa ginawang human shield. Dinala sya sa sa isang liblib na lugar sa may cordillera, at ng magsagawa ng operation ang mga militar, sia si Salome sa nasawi sa enkwentro.”

“Juan, hindi kaya marahil yun ang dahilan kaya ka nagsundalo?” tanong ng kapitan ng barangay

“Ewan ko Kap, sa totoo lang, parang kwento sa komiks ang sinasabi ng doctora. Kahit bana-ag lang, wala akong matandaan, wala akong ma-imagine na mukha o lugar.” Wika ni Nipoy.

“Nipoy, nabasa ko ang charts mo sa PGH, after ng operasyon mo, sinabi nung espesyalista na ang possible effects ng injuries mo is partial or transient amnesia. Tinamaan ka sa ulo, at apektado ang memory area mo. Pero possible na bumalik ang memories mo.”

“Doc, ipagpalagay na lang natin na tama ka, maglilimang taon na ng nangyari ang enkwentro na sinasabi mo, bakit wala pa din akong matandaan?”

“Nipoy, walang perfect science na makapagsabi sa epekto ng sugat sa ulo. May cases na madali lang, may mga cases din na taon ang binibilang. Malay mo isang araw, maalala mo din lahat. Alam ko dahil instinctively, pumunta kang norte ng Pilipinas, bakit? Dahil may portion sa utak mo na pumunta dito. Dahil sa norte ang porobinsya ni Salome. This proves that there is a protion sa utak mo na alam kung saan pumunta. Kaso lang ang synapses o triggers ng utak mo hindi pa konektado sa memory area ng utak mo, kaya instinct dito ka papunta, pero as to why – hindi mo masagot dahil hindi mabigyan ng dahilan ng isip mo.” Wika ng doktor

“Siguro nga. Let’s cross the bridge when we get there. Sa ngayon, unahin muna natin ang mga biktima. Kap, tutal andito na ang mga doktor, maari na siguro muna akong magpahinga. Gisingin nyo lang ako kung sakaling kailangan nyo ako.”

“Sige Juan, alam kong pagod na pagod ka na… kung ano man kailangan mo sabihin mo lang sa mga volunteers natin.”

Tumalikod na si Nipoy at pumunta sa isang maliit na tent, diumano para magpahinga.

“Doctora, sinagot mo ang maraming katanungan namin tungkol kay Juan… este Nipoy, naguguluhan dila ko. Noon pa kami nagtataka kung paano nya nagagawang manggamot, Sa totoo lang, naniniwala kaming isa talaga syang doctor. Ilang buwan din kaming naghanap ng paraan na makilala sya. Kaso napakalayo namin sa bayan at kita mo naman kahit telebisyon dito sa amin wala dahil di kami abot ng signal.” Sabi ni Mang Kardo

“Mang Kardo, maraming salamat din po at sa inyo napadpad si Nipoy. Masasabi po nating nakakalungkot ang nangyari kay Nipoy, pero may mga tao pong tulad ninyo na kumupkop sa kanya. Natawagan ko na po kanina habang inaayos para ibyahe ung pasyente ang mga magulang ni Nipoy at si Col. Mariano. Nagco-coordinate na po silang pumunta dito.”

“Salamat Doktora, para naman matuwid na ni Nipoy ang buhay nya. Hindi nyo lang alam kung ano ang natulong sya sa baryo namin. Aba, di lang ilang beses syang nagbalak umalis, pero parating nagkakaroon ng dahil kaya napipigilan syang lumakad. Marahil sinadya ng Diyos para dumito sya at matagpuan na para matapos na paghihirap nya.”

“Oo nga po Mang Kardo, sabagay talaga lang pong patulungin yang si Nipoy, minsan nga kahit pagkain nya ipinamimigay nya sa mga street children na nadadaanan namin papuntang unibersidad. Tawag nga namin sa kanya Sto. Nipoy… Sige po assikasuhin ko muna ang mga sugatan. Mamaya lang po tayo maguusap.”

“Sige doktora, uuwi din po muna ako upang balitaan ang mag-ina sa magandang balitang ito.”

Pagkawika noo’y umalis na si Mang Kardo. Kasalukuyan naman nakahiga si Nipoy sa isang folding bed sa isa sa mga tent. Ngunit ayaw syang dalawing nga antok, kahit pa man halos buong araw na syang walang pahinga. Maraming naglalaro sa kanyang isip, mga katanungang pilit nyang sagutin, pero tila mapaglarong alaala na habang pinipilit nyang matanto, ay parang nasa dulo lang ito ng kanyang kamalayan. Tila aninong umaaligid, pero hindi nya maabot.

Ika-Labingapat na Tagpo

Nasa ganung pagmumuni-muni si Nipoy ng nakarinig sya ng isang marahang katok.

“Nipoy, gising ka pa ba?” Boses ni Dra. Sheryl.

Bunamangon si Nipoy at pinatuloy ang doktora at pinaupo

“Doc, meron akong thermos dito at palagay ko mainit pa ang kapeng dala ni Mang kardo. Gusto mong magkape?” tanong ni Nipoy.

“Salamat, per hindi na, katatapos ko lang magkape. Sana di kita nagambala, alam kong hindi madali ang iyong kalagayan. Alam ko ding litong lito ka. Pero may dala akong mga larawan sa pitaka ko at nais ko sanang Makita mo ito, upang kahit paano’y makatulong man lang para matanggap moa ng mga nasabi ko sa iyo kanina.” Wika ng doktora

Nagtimpla ng kape si Nipoy at umupos sa harap ng doktora. Sandaling humigop ng kape bago sumagot.

“Ok lang doc. Tama ka nalilito nga ako. Pero mas nananaig sa isipan ko ang maraming mga katanungan. Personally, alam kong may karamdaman ako. Hindi ko naman ito tinatangi. Alam ito ng lahat na nakasama ko dito sa loob ng halos limang taon. Sa buong panahon na yun, pinilit kong mabuksan ang memorya ko, nagbabakasakaling, kahit man lang konti, ay may matandaan ako tungkol sa buhay ko, bago ako naaksidente. Kaya lang, kahit anong gawin ko, ang natatandaan ko lang sa nakaraan ay yung nagsimula ng magising ako sa ospital.”

“Nipoy, kailangan mong sumailalim sa isang masusing test. Malay mo, hindi permanente ang kundisyon mo. It could something reversible. Kung natatandaan mo, ikaw mismo nagsabi noong mga estudyante pa tayo, isang misteryo ang utak ng tao. Wala pang syensya na makakapagsabi with 100 percent accuracy kung ano ang kayang gawin ng utak natin.”

Sandaling natahimik si Nipoy at di umiimik habang humihigo ng kape. Sinamantala ito ng doktora at inipon ang mga dalang larawan. Iniabot ito kay Nipoy.

Isa-isang tiningnan ni Nipoy ang mga larawan, habang kinikwento ng doktora ang bawat isa.

“Yang larawan na yan, kuha yan ni Dr. Loren. First year pa tayo nyan. Nasa SM North Edsa tayo nyan at naghahanap ng libro para sa case study natin. Yan naming isa, kuha mo. Kami ni Salome ang andyan. Dun din yan sa SM. Yan si Richard, ung mayabang sa klase natin na Anatomy. Nanligaw sa akin yan, kaso binasted ko. Yan naman ang buong grupo natin, kuha yan ng isng saleslady dun. Andyan ka sa bandang kanan. Sus, momoy na momoy pa mga porma natin dyan.” Nakangiting biro ng doktora.

Sa isang larawan, saglit na napahinto si Nipoy. Pinagmamasdan sya ng doktora habang nakatingin sa larawan.

“Ikaw yan at si Salome. Dun yan sa may hagdanan malapit sa supermarket. Bumibili kami ng junk foods at nagpaiwan kayo dahil hinihingal na si Salome sa kaiikot natin.”

Ilang minuto ding nakatitig lang si Nipoy sa larawan habang tahimik namang minamasdan sya ng doktora.

“Doc, dito sa mga larawang ito, habang tinitingnan ko, kahit anong pilit kong hagilapin sa alaala ko. Blangko… ni sarili ko, kung di ko lang parating nakikita ang mukha ko sa salamin, di ko nakikilala.”

Ibinalik ni Nipoy ang mga larawan.

“Doc, sinabi mo sa akin, matalik tayong magkaibigan. Isang honest question lang.”

“Sure Nipoy, anything.”

“Kung ikaw ang nasa kalagayan ko ngayon. Nanaisin mo pa bang bumalik ang alaala mo? Ikaw na mismo nagsabi, masakit ang pinagdaanan ko. Siguro ito ang dahilan why my brain decided to keep it hidden. Para di ko na madala ang sakit. Para di ko na maramdaman ang bigat na dinadalo ko noon. Give me a good reason why I have to go back to who I was before?”

Hindi sumagot ang doktora. Nagaptuloy si Nipoy

“Mermories, masakit man o masaya, are something na dapat i-cherish. Good memories make us laugh. Sad ones make us stronger. Pero sa case ko, alin previous memories ang paghuhugutan ko? It seems like I never existed before the incident. It’s all blank before that. Gumawa ako ng bagong mga memories, not because I wanted to. But I didn’t have a choice. Kahit na ang pangalang Nipoy, it doesn’t evoke anything.”

“Naiintidihan kita Nipoy. Tama ka, kung wala ka lang man ding memorya sa nakaraan, bakit mo pa ito balikan.” Wika ng doktora

“Tama.” Sagot ni Nipoy

“Pero Nipoy, hindi lang ikaw ang may memorya. Lahat ng tao na naging parte ng buhay mo, may memories about you. Can you ask them to also erase that memory sa mga isipan nila? Sa mga taong nagmahal sa iyo, ang mga magulang mo? Mga kaklase natin, ako at mga kaibigan natin? Can we all just erase that portion and pretend as if you never came to our lives? Ang memorya mo maaring di na bumalik, pero kaming mga kaibigan mo, ang mga taong nagmamahal sa iyo, we can be your memory. We can fill in the gaps sa buhay mo na nawala sa iyo.”

“Doc, hindi ganun kadali yun. Iba ang memorya mo na alam mo kesa sa memorya na parang impormasyon na sanisabi sa iyo. Parang balita lang sa TV. Pinoproseso ng utak. Each day, lumapalit ako sa mga bulaklak inaamoy ko ito, because it is that kind of sensory fulfillment. Makukuha ko ba ito kahit ikwento mo pa buhay ko 100 times a day? Will I have the sensory input, kung gaano kasublime ang feeling kapag hawak mo ang kamay ng isang taong mahal mo, by hearing it from others?”

“Hindi ko maitatangi na tama ka Nipoy, dahil totoo, hindi maaring palitan ng salita ang mga bagay na nararamdaman. Alam mong hindi yun ang ibig kong sabihin. Ang gusto ko lang ipaabot sa iyo, bakit di ka mag-reach out? Bakit tumatangi kang tulungan ka namin? Bakit ayaw mong ibalik kami bilang bahagi ng buhay mo? Sa akala mo ba, by shutting the door to your past, and to everyone na kabahagi nun, magkakaroon ka ng katahimikan?” tanong ng doktora

“Maaring hindi, maaring oo. Pero kung titingnan mo sa punto ko. Bakit ko pa pahihirapan ang ibang tao. Bakit kailangang magabala ako bg ibang tao, na ni hindi ko alam kung pasalamatan ko, o suntukin ko, for reminding me of a painful past? Hindi ba mas maganda na wala na lang akong maalala, that way, wala akong masaktan… wala akong pahirapan… at wala akong iisipin.”

“Hindi kita pipilitin Nipoy kung yan paniwala mo. Earlier sabi mo if you can ask a question. This time, pwede bang ako naman ang magtanong?” wika ng doktora.

“Sure, ok. Ano yun?”

“Pwede mo bang titigan ang larawan ni Salome, then ask yourself. Ito din ba kaya ang gugustuhin nya para sa iyo?”

Pagkawika noo’y lamabas na sa tent ang doktora. Naiwanan si Nipoy na nakatitig sa larawan nila ni Salome, kuha ng nakalipas na masasayang sandali.

 

Huling Tagpo…

Sakay si Nipoy sa isang bus byaheng Maynila. Maaga syang umalis sa Sitio Mainit. Saglit na dumaan sa bahay ni Mang Kardo, at iniwan ang isng sulat. Binalot ang ilang pirasong damit. Nagpahatid sya sa isang kaibigan sa paradahan ng bus ma tyempo naming may paalis na.

Alas Sais ng umaga, nagising si Mang Kardo at unang nakita ang sulat ni Nipoy. Kinuha nya ito at binuksan.

“Mang Kardo,

Sa oras na mabasa ninyo ito, maaring nakaalis na ako. Papunta akong Manila. Lubos po akong nagpapasalamat sa inyo, kay nanang, dahil sa pagkupkop ninyo sa akin. Marahil, kung hindi dahil sa inyo, palaboy laboy pa adin ako ngayon, at walang tiyak na patutunguhan. Napakalaki ng utang na loob ko sa inyo at sa pamilya ninyo, at hindi ko alam kung paano ko kayo pasasalamatan. Darating ang panahon at kung ipapahintulot ng Panginoon, babalik ako uli at ipagpatuloy ang aking nagawa.

Muli po maraming salamat. Meron po akong dalawang sulat na iniwan. Isa para sa mga magulang ko. Sabi po ni Doktora Sheryl, darating po sila kasama noong sinasabi nyang Col. Mariano. At ung isa para kay Doktora Sheryl. Pakiusap na lang po kung pwede ay ibigay ninyo. Pakisabi na lang din, wag na silang magabalang habulin at hanapin ako. Nais ko lang munang magisa at pagnilayan ang mga bagay bagay. Darating din ang panahon na uuwi ako.

Lubos na gumagalang at taos pusong nagpapasalamat.

Juan.”

Agad naming naghanda si Mang Kardo at pumunta sa evacuation center sa Sitio Mainit. Pagdating ay sinalubong sya ni Doktora Sheryl na nagaalala. Kasama ng doktora ang napagtanto nyang marahil ay mga magulang ni Nipoy at isang opisyal ng sundalo.

“Mang Kardo, salamat naman at napunta kayo, paalis n asana kami upang puntahan kayo.” Wika ng doktora. “Eto nga pala ang mga magulang ni Nipoy. Si Dr. Ethan Nipacio at ang asawa nyang si Atty. Elena Nipacio. Kasama din naming si Col. Mariano, ang dating commanding officer ni Nipoy”.

“Kamusta po kayo Mang Kardo, balita naming kayo ang kumupkop at umaruga sa anak naming nitong nakaraang limang taon.” Sambit ng ina ni Nipoy.

“Ayos lang naman po ako Attorney.”  Sagot ni Mang Kardo.

“Elena na lang po.”

Matapos nagkamay at naupo, agad iniabot ni Mang Kardo ang mga sulat sa ina ni Nipoy at kay Doktora Sheryl.

“Pasensya na po kayo. Pagkagising ko kanina, yan na lang po ang inabutan ko. Ang sabi nya sa sulat nya papunta syang Maynila at nakiusap syang kung maari daw ay wag ninyo syang sundan at bigyan ng pagkakataon na makapagisip.”

Saglit na binasa ng mga magulang ni Nipoy ang kayang liham.

“Papa, bakit ganun ang anak natin?” wika ng ina ni Nipoy habang niyakap ang asawa. “Hindi ba niya tayo gustong makita? Naisip ba yang limang taon nating syang hinahanap. Tapos ngayon na natagpuan natin sya, bigla na naman syang umalis ng di man lang tayo naisip na makita?

“Mama, Hayaan mo na muna si Nipoy. Alam kong sa ngayon hinahanap pa nya ang sarili nya. Alam kong nabigla lang sya sa mga nalaman nya. Ilang araw lang akala nya ganun lang kaliit mundo nya, tapos bigla lang nalaman nya lahat. Kahit sino, mayayanig sa nalaman nya. Hayaan mo lang muna sya. Kilala natin si Nipoy, uuwi din sya.” Wika ng ama ni nipoy

“Sabik na akong makita sya at mayakap. Ilang taon din syang nawala sa atin. Pero tama ka, marahil kailangan pa ni Nipoy ng panahon para maisip nya lahat at matanto nya kung saan nya ilalagya ang sarili nya.”

Sa loob ng bus patungong maynila tahimik si Nipoy. Naglalaro sa alala nya ang lahat ng sinabi sa kanya ng doctora. Maya-maya at muli nyang pinagmamasdan ang larawan nila ni Salome.

“Kilalang kilala ka ng puso ko.  Hindi mo matatago ang kalungkutang nadarama ko habang minamasdan ko ang maamo mong mukha. Pero bakit, wala akong maalala sa iyo? Bakit, kahit isang segundo ng pagsama natin wala akong maalala. Pero, sa puso ko, andito ang isang napakalaking kawalan.” Tanong ni Nipoy sa sarili.

“Tuwing tinitingnan ko ang mukha ko, parang magaan na mabigat ang nararamdaman ko. Mabigat na alam kong hindi na kita muling makasama upang matanong sa iyo kung paano kita minahal. Mabigat dahil, hindi ko alam kung paano kita sundan, dahil hindi alam ng isip ko kung asan ka. Ito ang nagpapabigat na nararamdaman ng puso ko. Nalulungkot ako, dahil hindi ko lang matanong sa iyo kung naging masaya ka sa piling ko. Ni hindi ko man lang madala sa isip at puso ko ang mga alaala natin. Pero alam ko, darating din ang araw na lahat ng tanong ko ay masasagot. Ang maipapangako ko lang, aantayin kong dumating ang araw na yun.”

Matagal na nagiisip si Nipoy habang nakatingin sa malayo… Muling tiningnan ang larawan sa marahang sinabi…

“Alam kong ikaw ang langit ng puso ko, pero, nasaaan ang daan pantungo sa iyo? Nasaan ang daan papuntang langit? Hindi pa marahil ngayon… pero darating din ang panahon na matuntun ko ang daan pantungo sa iyo – Salome”

EPILOGO…

Sa General Headquarters ng mga marino..

“Sir. Col Mariano Sir.” Hangos na sabi ng isang Civilian staff.

“Yes” wika ni Col Mariano na kararating lang.

Sir, may isang sulat po na dumating para sa inyo. Nilagay ko po sa mesa ninyo.”

“Thank you” sagot ni Col Mariano. Agad siyang pumasok sa opisina nya at doon nakita ang isang sulat. Agad niya itong tiningnan at nakita na galing ang package kay Private Jonathan Nipacio. Binuksan nya ang sulat, dito nakassad:

“Sir, I am a marine and will forever be one. I am proud to have served under you and will always carry that pride in my heart. But, right now, my heart is not in the service, for which I have no memories of. So I willingly and by my own volition, resign from my commission as a member of the Philippine Marines. I express my deepest gratiutude to you and the Corps.  Private Jonathan Nipacio. PN.”

Matagal na tiningnan ni Col Mariano ang sulat, bago tumayo at dumungaw sa bintana.

******

Sa Mindanao, sa Cotabato Regional Hospital, katatapos lang nagpunch ng kanyang time card si Amira ng nilapitan siya ng isng kasamahan.

“Amira, may package kang dumating kanina. Sabi namin wala ka kaya inwanan na sa amin ng nagdeliver.”

“Ha? Kanino daw galing?” tanong ni Amira

“Hindi ko alam, pero nakalagay dun Pvt. Jonathan Nipacio” wika ng kasama nya. “Uuuuyyy, baka ano na yan…” tukso ng kasama nya.

“Loka loka ka talaga… Sige, puntahan ko na lang. Salamat.”

“Walang anuman”

Agad na pumunta si Amira sa nurse station kung saan nakita nya ang isang package na nakaaddress sa kanya. Agad nya itong binuksan, at dun nakita nya ang mga bagong gamit ng isang nurse, isang kahon ng mamahaling gamot. Sa isang sulok nakita nya ang isang sulat at agad nya itong binuksan.

“Dear Amira, Marahil, hindi mo na ako matatandaan. Pero utang ko sa inyo ng ama mo ang buhay ko. Ako ung lalaking niligtas ninyo, mahigit limang taon ang nakakaraan. Marahil, kung di dahil sa iyo at sa ama mong si Mang Ibrahim, ay wala ako sa kinalalagyan ko ngayon. Nagpapasalamat din ako sa kapatid mo na syang nagbantay sa akin habang nasa PGH ako. Hindi matutumbasan ng kahit ano kalaking pera ang ginawa ninyo para sa akin, pero napgalaman ko na sira na pala ang sasakyan ng ama mo. Kaya may sinama akong isang tseke, na maari nyang gamitin para pamabili ng bagong sasakyan, ng sa ganun ay di na sya mahirapan. Muli, taos puso akong nagpapasalamat sa kabaiting ninyo. Pvt. Jonathan “Nipoy” Nipacio. “pinangalanan mong Juan”

Napaiyak si Amira habang binabas ang sulat. Maya-maya pa’y kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan ang ama.

*****

Sa Sitio Mainit, nalasampak ng paupo si Mang kardo habang pinapaypayan ang sarili ng hangos na dumating ang kapitbahay na si Pedring.

“Mang Kardo… MangKardo”

“O Pedring, ano bang nangyari at tila nagmamadali ka. Halika dito at mainit dyan sa may tarankahan ko.” Wika ni Mang Kardo.

“Mang Kardo, may dumating kasing delivery kanina, pero andun ka pa daw sa bukid kaya, kanina pa kami nagaantay sa iyo.” Wika ni pedring.

“Bakit, ano bang balita yan at tila parang di ka magkamayaw sa excitement mo.”

“May nagdala ng isang magarang sasakyan sa center natin. Nakalagay para sa iyo lang. Eto nga may sulat na kalakip.”

Agad iniabot kay Mang Kardo ang sulat at nanginginig itong binuksan ni Mang Kardo.

“Mang Kardo, Humihingi ako ng paumanhin sa bigla kong paglisan. Sa mga panahong yun, magulo ang isip ko at hindi pa ako handang tangapin ang mga nalaman ko at harapin ang mga tao sa aking nakaraan. Kaya pinili ko munang magpakalayo. Alam kong kailangan mo ng sasakyan, kaya pinadala ko ito sa ito. Akin ito, binili ng mga magulang ko pero hindi ko masyado nagamit. Kaya pinapahiram ko muna sa iyo, habang wala pa ako. Pero babalik ako dyan upang ipagpatuloy ang mga nagawa ko. Ikamusta niyo pala ako kay nanang, at sabihin mong wag pabayaan ang kanyang kalusugan. Lubos na nagpapasalamat. Nipoy/Juan”

“Ang gara ng sasakyan natin Mang kardo, pasakay naman.” Wika ni pedring

“Luko luko, kay Juan yan, pinadala lang dito para magait nya pagbalik nya.”

“Totoo ka Mang Kardo, babalin na si Juan? Aba, mas magandang balita yan. Sige po ibabalita ko yan sa mga kababaryo natin, may mga babaeng hindi na naman makakatulog nito…” Agad na tumalilis si pedring habang natutuwang tinitingnan sya ni Mang Kardo.

*****

Sa bahay ng mga Nipacio, dalawang buwan makalipas na nakauwi ang mga magulang ni Nipoy, isang sulat ang dumating. Binuksan ito ng kanyang ina at binasa.

Papa at Mama, humihingi po ako ng paumanhin, alam kong hindi ninyo nagustuhan na umalis ako gayong alam kong parating kayo. Alam ko ding sabik kayog makita ako. Hindi ko nais saktan kayo, pero sa mga oras na yun, hindi pa ako handa na makasama kayo. Hindi ko pa alam kung ano ang gawin ko kapag nasa harap ko na kayo. Natatakot din ako na baka magulat kayo kung hindi ko man lang kayo makilala kapag nagkaharap na tayo. Pero, pasasaan ba’t uuwi din ako. Kapag natagpuan ko na ang sarili ko, kapag kaya ko ng harapin kung ano ako at kung ano nangyari sa akin. Uuwi din ako. Sa paguwi kong yun, hindi ko man maalala ang lahat kung ano ako, ay tangap ko na ang lahat at handa na akong harapin at pasalamatan ang lahat ng pinagkakautangan ko ng loob, noong panahong, hinahanap ko ang daan ko. Nagmamahal, Nipoy”.

Luhaang ngumiti ang ina ni Nipoy saby bigkas…

“Sige anak, hanapin mo ang daan mo, at kung makita mo na, sana makita mo din ang daan pabalik sa amin ng ama mo… Andito lang kami, at aantayin ka naming dumating…”

 

WAKAS…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s